Another day, another decluttering project ang hatid sa atin ng Team Payaman content creator na si Abigail Campañano-Hermosada.
Sa kanyang bagong vlog, naisipan ng misis ni Kevin Hermosada na ayusin ang isang parte ng kanilang kwarto sa Content Creators House.
Ayon kay Abi, nais nyang gawing mas maaliwalas ang kanilang kwarto kaya naman bumili ito ng aesthetic na sampayan.
Sa kanyang pag aayos, isang simpleng payo ang ibinahagi nito sa kanyang mga manonood.
“Alam nyo naman medyo maliit lang yung kwarto namin, so kapag may konting kalat medyo makalat na talaga siyang tignan agad,” ani Mrs. Hermosada.
“Sabi nga nila kapag may kalat, kahit konti pa yan ligpitin na natin kasi kapag yan nagpatong-patong, yung konting kalat na yan magiging magulo na syang tignan so hindi natin gusto yun,” dagdag pa nito.
Pero bago tuluyang mag DIY ng kanyang munting sampayan ay naisipan naman nitong mag multi-task at nagsalang ng kanilang maruruming damit sa washing machine.
Kwento pa ni Abigail Campañano-Hermosada, bumili na sila ng bagong washing machine na pinaghatian nila ng mga kasama sa Content Creator House upang mas makatipid.
Habang nakasalang ang labahan ay sinimulan na ni Abi ang kanyang mini-DIY session ng sampayan.
Tinulungan din si Abi sa kanyang housemate na si Aki Angulo, ang fiance ni Team Payaman vlogger Aaron Macacua, a.k.a Burong.
Matapos ang DIY sesh ay masayang ibinahagi ni Abi ang bagong aesthetic sampayan na nagpaaliwalas sa kanilang kwarto.
Watch the full vlog below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.