Abigail Campañano-Hermosada Treats Viewers with Room Organization and Quick Tour

Isang quick room tour with a twist ang hatid ngayon ni Mrs. Abigail Campañano-Hermosada matapos ang quick vacation nito kasama ang kanyang mister na si Kevin Hermosada.

Nagbahagi rin ng ilang tips and tricks ang maybahay na pwedeng gawin ng kanyang mga manonood sa paglilinis at pag-aayos ng gamit.

House Chores

Pagkauwi galing sa kanilang bakasyon, agad na sinimulan ni Mrs. Hermosada ang paglilinis ng kanilang kwarto sa tinaguriang “Content Creator House” sa Congpound.

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi nito ang ilan sa kaniyang mga ginawa upang mapanatiling malinis mini Casa Hermosada.

Una nitong isinalang ang kanilang mga maruruming damit na ginamit sa kanilang bakasyon, pati na rin ang ilan sa mga nasuot na nito.

“Napakaraming labahin!” komento nito.

Pagbalik sa kanilang kwarto ay laking gulat nito nang madatnang maayos na ang kanilang mga unan at kumot sa kama.

“Ay, hala! inayos ni Kevin ang aming kama!” aniya.

Sunod na pinalitan ni Abby ang mga punda ng unan upang maiwasan ang pangangati sa kanilang mga katawan.

Matapos maglaba ay agad na pinunasan ni Abby ang kanilang mga kagamitan sa kwarto upang tanggalin ang alikabok.

Hindi rin nito nalimutang magwalis, maglampaso, mag-vacuum, at linisin ang kanilang CR upang matanggal ang mga dumi at mikrobyo.

Give and Take

Bilang reward, inuwian ito ni Kevin Hermosada ng meryenda upang hindi ito magutom habang naglilinis ng kwarto.

“Wow, may pa-Starbucks!” reaksyon ni Abby.

Nakiisa rin si Kevin Hermosada sa paglilinis at pagtanggal ng alikabok ng kanyang mga kinokolektang laruan.

Sabay namang ikinabit nina Mr. and Mrs. Hermosada ang mga punda ng kanilang unan, kama, pati na rin ang kanilang comforter.

Ayon kay Abby, mayroong division of labor ang mag-asawa dahil naniniwala ito na ang “give and take” technique ang isa sa bumubuhay ng kanilang relasyon.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

13 minutes ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

23 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

1 day ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

2 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

2 days ago

This website uses cookies.