Meet Tito Bobby: Team Payaman Moto Club Welcomes New Member

Naintriga ang Team Payaman Moto Club members nang mamaalam ang miyembro nitong si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang sa kanilang grupo.

Laking gulat ng TP Wild Dogs nang matunghayan ang agarang pagpalit kay Dudut ng bagong miyembro ng Team Payaman Moto Club na si Tito Bobby.

Goodbye, Dudut?

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Dudut ang kanyang personal na pamamaalam sa kanyang mga kasamahan sa TP Moto Club.

“May problema akong dala-dala simula pa kagabi. Hays, paano kaya ‘to? Masyadong mabilis yung pangyayari kasi ‘eh. ‘Ganun lang ‘yun?” bungad nito.

Hindi na nagpaligoy-ligoy si Dudut at agad ipinulong ang kanyang mga kasamahan para sa kanyang mahalagang anunsyo.

“Tigil na ako mag-motor Doy, labas na ako sa Team Payaman Moto Club!” aniya.

“E-exit ka na? Bakit naman ganun? Ano bang problema?” sagot naman ni Chairman Cong TV.

Dagdag naman ni Mentos: “Ano bang dahilan? Sabihin mo kasi sa amin.”

Sa huli, pinayagan din ni Chairman Cong TV ang paalam ng kaibigan nitong lisanin na ang kanilang samahan.

New member?

Ilang oras matapos mamaalam sa kanyang mga kasamahan, agad na dumating ang kapalit ni Dudut sa kanyang pwesto.

“Dut, nandyan na ‘yung naghahanap sa’yo. Daming tattoo eh, nakakatakot as in! Parang bad boy,” bungad ni Yow Andrada

Agad din namang ipinakilala ang pinakabagong miyembro ng Team Payaman Moto Club na si Bobby, na syang bagong persona ni Dudut.

Walang pag-aalinlangan itong tinanggap ng mga reigning members gaya nina Cong TV, Junnie Boy, Boss Keng, Carding, Bods, at iba pa.

Hindi pinalampas ng TP Moto Club chairman na ihanda ang kanilang bagong miyembro para sa kanilang mga susunod na rides.

Cong TV: “Ayusin mo ah! May coms ka ba? 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

8 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

11 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

11 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

11 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.