Adam Navea Takes Viewers at Team Payaman Moto Club’s Bataan Ride

Matapos ma-ospital dulot ng kidney stones, game na game pa ring nakiisa si Adam Navea sa long ride ng Team Payaman Moto Club patungo sa tinaguriang “History Hub of Central Luzon,” ang Bataan.

Masayang ibinahagi ng bagitong vlogger ang ilan sa kanilang mga paghahanda bago sumabak sa mahaba-habang biyahe pa-Norte.

Pre-Bataan Ganaps

Ibinahagi ni Adam sa kanyang bagong vlog ang ilan sa mga kaganapan sa likod ng Bataan trip ng Team Payaman kasama ang tropahan ng Y-Kulba.

Sa unang stop over ay sabay-sabay na nagpa gasolina ang TP Wild Dogs na sagot ng kanilang co-member na si Burong na nahatulang mang libre dahil huli itong nagising.

“Full tank ‘yan idol!” sigaw ni Boss Keng.

“Hanggang Bataan ‘yan doy!” biro ni Junnie Boy.

“Bakit naman ganun?” kamot-ulong sagot ni Burong.

Dahil kakalabas lang ng ospital, hindi gaanong energetic si Adam sa nasabing ride, ngunit game na game pa rin itong nakiisa sa trip ng tropa. 

“Pero kakayanin natin, para sa ride at para makasama ko kayo syempre sa pag-byahe namin!” salaysay ni Adam.

TP Goes to Bagac, Bataan

Pagdating sa Bataan ay agad na nilibot ng TP Wild Dogs ang karagatan at ilang magagandang tanawin sa nasabing lugar.

“Nakakapagod pero masaya. ‘Yun nga, kagagaling lang natin sa hospital kaya ‘di tayo nakasama sa happy happy nila sa baba. Hindi tayo nakakain ng mga masasarap na pagkain,” kwento nito.

Hindi man nakasama sa unang araw, bumawi naman si Adam kinabukasan at sumamang mag swimming sa tropa.

“Natapos na ‘yung trip namin. I would say na perfect and exciting ride s’ya,” komento nito.

Dagdag pa ni Adam, isa ito sa pinakamasaya at challenging ride na naranasan niya dahil nagawa nitong mairaos ang kanilang lakad kahit pa na may iniindang sakit.

Watch the full vlog below

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

21 hours ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

1 day ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

3 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

3 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

3 days ago

This website uses cookies.