Clouie Dims Surprises Dudut With a Quick Getaway After Tiring Vietnam Trip

Matapos ang sunod-sunod na trabaho, naisipan ni Team Payaman vlogger Clouie Dims na surpresahin ang kanyang longtime boyfriend na si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang. 

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ng Team Payaman Wild Cat kung paano nito binigyan ng much needed rest and relaxation trip ang kanyang butihing nobyo. 

The surprise

“Ang sasabihin ko na lang ay magla-lunch kami sa labas pero hindi niya alam meron akong balak,” iyan ang bungad ni Clouie Dims sa kanyang vlog sa planong surpresa para kay Dudut Lang

Agad na ginising ni Clouie ang nobyo na walang kamalay malay kung saan sila pupunta. Lingid sa kaalaman ni Dudut, bago pa man umalis ay nakapag book na ang kanyang nobya ng isang staycation villa at nag-impake na rin ang kanyang mga gamit. 

Paliwanag ni Clouie, naisipan niyang isurpresa si Dudut matapos ang matinding trabahong pinagdaanan sa pagsali sa isang reality show sa Vietnam.

“Araw-araw habang nandoon siya, sabi niya gusto niyang mag-rest pag-uwi. Talagang pagod siya, pagod siya doon sa mga shoot na ginawa nila doon sa Vietnam,” ani Clouie Dims

Kasama ang kanilang alagang French Bulldog na si Bruno, bumiyahe sila patungo sa “My Cabin by Selah” sa Bustos, Bulacan. 

Monthsary adventure

Pagdating sa kanilang staycation spot, isang magandang resort ang sumalubong sa kanila na ikinatuwa naman ni Dudut. 

Kasabay ng nasabing surpresa ay ang month anniversary ng dalawa na anila ay hindi na nila gaanong kadalas na ipagdiwang. Halos maiyak naman si Dudut sa surpresa ng kanyang nobya. 

“Naiiyak ako, kasi napagod talaga ako doon sa Vietnam!” ani Dudut. 

“Deserve mo naman!” sagot naman ni Clouie. 

Matapos ang kaunting pahinga ay nagsalo naman ang dalawa sa hapunan kung saan napag usapan nila ang kanilang tipikal na ginagawa sa tuwing magbabakasyon o outing. 

At syempre, hindi rin pinalampas nina Clouie at Dudut ang mag swimming sa kanilang private pool. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

21 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.