CONGRATULATIONS! Team Payaman’s Chef Enn Hits 100K YouTube Subscribers

Isa na naman Team Payaman member ang nagkamit ng tagumpay matapos masungkit ang 100,000 YouTube subscribers isang taon simula nang sumabak sa vlogging. 

Matapos ang masipag na pag-uupload ng kanyang cooking vlogs, umabot na ng 100,000 ang subscribers sa YouTube ng resident chef ng Team Payaman na si Kenneth Silva, a.k.a Chef Enn.

100,000 Subscribers Milestone

Matapos ang kanyang kauna-unahang TV guesting, isa na namang hindi malilimutang tagumpay ang nakamit ni Chef Enn.

Sa isang Facebook post, ipinahatid ng chef vlogger ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga taga-suportang nakasama nito sa kanyang vlogging journey.

“Mga ka Chefity tayo po ay 100,000 Subscribers na!!!” masayang balita ni Chef Enn. 

“Maraming salamat sayo Lord, Hindi ko alam na makakarating ako dito , hindi ko alam kung ano pa ang plano mo pero buong puso akong nagtitiwala sayo! Ikaw na ang bahala kung saan mo pa ako dadalin,” dagdag pa nito. 

Pinasalamatan din ni Chef Enn ang kanyang pamilya na numero unong nagtiwala sa kayang kakayahan sa pagluluto at paggawa ng cooking vlogs. 

“Maraming salamat sa pagsama sa journey ko, alam ko madami pa tayong journey na gagawin at kahit ano pa ang marating natin mananatiling nakatapak ang aking ‘PAA’ sa lupa at MATA sa langit!”

Hindi rin pinalampas ni Chef Enn ang pagkakataon na pasalamatan si Cong TV na nagbigay sa kanya ng oportunidad na mapabilang sa Team Payaman. 

“Isa kang Idolo Bossing CONG TV, na lahat ng bagay sa mundo ay mararating mo kung mgppursige ka! More powers and Blessings sa inyong lahat!”

“MARAMING MARAMING Salamat sa Buong TEAM PAYAMAN MEMBERS! Hindi po ako makakarating dito kung hindi dahil sa inyo.”

Congratulatory Messages

Ipinahatid din ng Team Payaman supporters ang kanilang pagbati kay Chef Enn matapos itong magtamo ng 100,000 subscribers sa kanyang YouTube channel.

Garcia Onad: “Kahit sa salitang CONGrats nakadikit na pangalan ni mossing..btw road to 1m na chef!”

Jerry Valentino: “Congratulations!

Ralph Anojan Bautista: “Congrats Chef!”

Yenny Certeza

Recent Posts

Don’t Miss Viyline’s Clearance Sale & Buy 1, Take 1 Deals on Viy Cortez-Velasquez’s TikTok Live

Viyline Group of Companies is set to make waves this summer with an exciting Clearance…

4 hours ago

Team Payaman’s Dudut Spreads Joy and Flavor in the Epic Return of ‘Dudut’s Kitchen Dayo’

Matapos ang halos isang taon, muling nagbabalik ang isa sa mga pinaka-favorite YouTube serye ni…

6 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares a ‘Sulit’ Quick Escape for the Summer Season

Dahil panahon na naman ng tag-init, may handog na fun activity reco si Ivy Cortez-Ragos…

13 hours ago

Feel Fresh All Day with the New Viyline Skincare Intimate Wash

In this scorching heat, refreshing your body is at the top of every ultimate self-care…

14 hours ago

Junnie Boy Stars in a Netflix x One Piece’s One Great Manila Adventure

Team Payaman fans were thrilled when Netflix Philippines featured Junnie Boy in their "One Great…

14 hours ago

Team Payaman’s Chino Liu Brings Luxe Conversations in ‘Chino On Deck’

Matapos ang matagumpay na 12-episode run ng kanyang podcast na ‘Kags, Help!’ noong 2025, muling…

15 hours ago

This website uses cookies.