Team JunnieVien Takes Mukbang to the Next Level in Recent Hong Kong Trip

Tampok ngayon sa ikalawang parte ng Hong Kong travel vlog ng Pamilya Iligan-Velasquez ang ilan pang kaganapan sa kanilang unang out of the country trip. 

Kakaibang “Mukbang” ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez kasama ang kanyang mga anak at mga kaibigan sa Congpound.

Hong Kong Part 2

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Mommy Vien ang kanilang paglilibot at pagsho-shopping sa Hong Kong na pinangunahan ng padre de pamilya na si Junnie Boy.

“Isipin n’yo pre, bumili ako dalawang ganito [sapatos], sa Pilipinas parang nasa P11,000 na ‘to. Dito, nabili ko P14,000 dalawa [na]!” kwento nito.

Pagkatapos mamili ay diretso na sa pagkain ang Team Iligan-Velasquez kasama ang mga cute na cute na chikiting nito.

Para naman sa kanilang ika-anim na araw, hindi pinalampas ng Pamilyang Giyang na mapuntahan ang sikat na Hong Kong Ocean Park.

Labis din ang excitement na ipinakita ng kanilang panganay na si Mavi nang makapasok na ito sa loob ng pasyalan, lalo na nang makita nito ang Panda.

7-11 Mukbang

Bukod sa pamamasyal, sinubukan din ni Mommy Vien at Kuya Mavi ang ilan sa mga pagkaing mabibili sa 7-11 Hong Kong kung kaya naisipan ng mag-ina na magmukbang.

Unang sinubukan ng mag-ina ang Dried Fish Fillet na agad namang nagpa-approve sa panlasa ni Kuya Mavi. Sinundan naman ito ng Garlic Chili Sausage na siya namang nagustuhan nina Mommy Vien.

Marami pang sinubukang pagkain sina Kuya Mavi at Mommy Vien na pasok sa panlasa ng mga ito, na ayon sa kanila ay kanilang babalik-balikan. 

Final Leg

Para naman sa final leg ng kanilang Hong Kong tour, binisita ng Pamilyang Giyang ang kilalang Victoria’s Peak.

Nag-sight seeing ang mga ito sa pinakamataas na palapag ngunit hindi pinalad na makakuha ng magandang litrato dala ng makakapal na ulap.

Tinapos ng Team JunnieVien ang kanilang Hong Kong trip sa pamimili ng mga pasalubong para sa kanilang mga pamilya’t mga kaibigan.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

1 day ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

1 day ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

1 day ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.