What Laws Would Team Payaman Pass if They Became Lawmakers?

Hatid ngayon ng Partidong Payaman ang panibagong listahan ng mga batas na naiisip nilang ipatupad kung sakaling sila ay maging kawani ng gobyerno.

Samahan ang Team Payaman Wild Dogs featuring Tier One Entertainment CEO Tryke Gutierrez para sa isang kwelang Payaman Insider  Spotify podcast episode.

Partidong Payaman

Sa pinakabagong episode ng Payaman Insider, ibinida nina Junnie Boy, Boss Keng, Burong, at Tryke Gutierrez ang ilan sa mga batas na nais nilang ipatupad sakaling magkaroon ng katungkulan sa gobyerno.

Unang pinag-usapan ng Partidong Payaman ang ilang mga batas na magsusulong sa sektor ng mga pagkain. Unang iminungkahi ni Burong ang pagkakaroon ng “Divide and Conquer Bill.”


“Ang gagawin ko, paghihiwalay-hiwalayin ko ‘yan. Lahat ng protina na pwedeng makuha ng isang tao ilalagay ko s’ya sa Davao. Davao na ang magiging ‘Protein Capital of the Philippines,’” ani Burong.

Pagdating naman sa gulay, ilalagay aniya niya ito sa matataas na gusali sa Cebu na kanyang tatawaging Vegetable Village.

Nais din ni Burong maging centalized ang pagkukuhanan ng mga pagkain upang maipairal ang pangangalakal sa loob ng bansa.

No to Hoarding

Sunod namang nagsalaysay ng plano si Boss Keng na naglalayong tapusin ang labis na pamimili o hoarding.

“Bawal na mag-hoarding, lahat ng pagkain. Ang supply lang ng [pagkaing] mabibili mo is depende sa calories na kailangan mo!” paliwanag ni Keng.

Nais din ni Boss Keng na masanay ang mga Pilipino na magtipid, iprayoridad ang kalusugan, at ibatay  sa BMI (Body Mass Index) at calorie intake ang dami ng bibilhing pagkain.

Aniya, magkakaroon ng kaakibat na parusa at multa ang sinumang bibili ng labis na suplay ng pagkain.

“Magiging healthy lahat ng Pinoy at kahit anong gyera, kaya nating labanan!” ani Boss Keng.

Foot for One, One for Foot

Nais namang ipatupad ni Junnie Boy ang pagbibigay ng pantay-pantay na pagkukunan ng pagkain na kanilang sisimulan sa pamamahagi ng mga livestock, pananim, at mga processed food.

Isa aniya sa mga magiging epekto ng nasabing proyekto ay matututunan ng bawat Pilipino ang magpalago at magparami ng pagkain na maaaring ibahagi sa iba sa pamamagitan ng barter.

“‘Di na natin kailangan gumastos kasi lahat [ng tao] meron. Kaya nga foot for one, one for foot eh.” saad nito.

Plus 1 Bill

Hindi rin nagpahuli ang Tier One Entertainment big boss na si Tryke Gutierrez sa kanyang innovative food law.

“Para sa akin, kung kailangang may tulungan, kailangan may kaunting maargabyado. Lahat ng fast food sasabihin ko, ‘Wqag na kayo magbayad ng tax. Pero lahat ng meal, may libreng isang extra rice!’” bungad nito.

Ayon kay Tryke, layunin ng Plus 1 Bill na tanggalin na ang tax sa mga fast food chains kapalit ng isang libreng pagkain na kanyang tinawag na plus 1 upang mabawasan ang gastusin ng mga Pilipino.

“Pabor ‘yan sa mga bibili kasi bababa na yung preyso, may plus 1 pa!” dagdag ni Boss Keng.

Iginiit pa ni Tryke: “Wala ng magugutom kasi yung kanin mo, pwede pang dalawang meal!”

Listen to the full episode below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Introducing The Newest VIYLine Cosmetics’ Lip Slay Shades For Everyday Wear

Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…

3 days ago

Malupiton and Long-Time Girlfriend Are Now Engaged

Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…

3 days ago

Nobody’s Tough Like Mama: Tough Mama, The Appliance Brand Built to Last

Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…

4 days ago

Aki Angulo-Macacua Shares Journey to Achieving Stunning Wedding Dress

Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…

4 days ago

Here’s Why You Should Partner With Grentek Solutions For Your Next Big Events

In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…

4 days ago

Nourish Your Little Ones With ‘Luxe Kids’ by Luxe Beauty and Wellness

Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…

5 days ago

This website uses cookies.