New Team Payaman Content Creator? Adam Navea Finally Ventures Into Vlogging

Madalas makasama ng Team Payaman ang isa sa kanilang matalik na kaibigan na si Adam Navea, na ngayon ay sumabak na rin sa vlogging. 

Bukod sa pagiging pinuno ng Ahavah Ministry Philippines, sinimulan na rin ni Adam ang paggawa ng vlogs gaya ng mga kaibigan na nakapaligid sa kanya.

First Vlog

Sa kanyang YouTube channel na Adam Ahavah, ibinahagi ni Adam Navea ang kanyang unang na opisyal na vlog. 

Bagamat dati nang nag-uupload ng videos sa nasabing channel, ito ang kauna-unahang pagkakataon na gumawa ng vlog si Adam. Sa ngayon, ang nasabing YouTube channel ay mayroon ng higit 77,800 subscribers. 

Ayon kay Kuya Adam, pagmamahalan at good vibes ang magiging atake ng kanyang mga vlogs na dapat abangan ng kanyang mga manonood.

Bukod dito, nais ding ibahagi ni Kuya Adam sa kanyang mga vlogs ang mga motorcycle ride stories ng Team Payaman Moto Club. 

Layunin aniya ng nasabing content na matulungan ang mga manonood sa mga dapat na matutunan pagdating sa mga motorsiklo at idokumento ang kanilang mga biyahe nang sa gayon ay mabalikan pagdating ng panahon.

“Noong mga bata kami, pangarap talaga naming magkaroon ng big bike, and thank you Lord na binigyan mo kami ng isang bossing [Cong] that made all our dreams come true!” pasasalamat nito kay Team Payaman founder Cong TV.

Samantala, para sa kanyang unang vlog, ipinasilip ni Kuya Adam ang paghahanap ng mga gamit pang motorsiklo kasama sina Jaime de Guzman a.k.a Dudut Lang, Brylle Galamay a.k.a Bods, at Carlos Magnata a.k.a Bok.

Ibinunyag din ni Adam na wala talagang ideya si Bods pagdating sa pagmomotor kung kaya naisipan nitong ibahagi ang kanyang mga naging paghahanda bago pa maging opisyal na “rider.”

“Bago ako bumili ng mismong bike, eh nagse-search search na ako. Kumbaga ang kulang ko na lang is praktisin!”

Laking pasasalamat din ng mga ito kay Cong TV at Junnie Boy na naging susi upang mabili nila ang mga pangarap na motor at gears.  

Netizens’ Reactions

Ipinahatid naman ng mga netizens ang kanilang pagbati kay Adam para sa kanyang unang vlog. Inulan ng mga positibong komento ang newbie vlogger na talaga namang nakakataba ng puso.

Y Kulba: “One of the most sincerest and warmest persons we’ve ever met. Sarap maging kaibigan! Congrats sa Vlog, you’re a natural!”

GooseBumps: “Ang galing mo magsalita boss Adam!!! Bagay sayo maging dubber, announcer, or host. More power sayo boss Adam!”

Akagami Sam.14: “Be active on vlogging Kuys! We are here to support you all the way🔥 #TeamPayamanAllTheWay”

Michelle Jean Pesigan: “Galing magsalita, hindi halatang newbie. Ride safe always Team Payaman”

KIDONG VLOGS: “Please make podcast or talk show with Team Payaman!! Sobrang galing mag salita!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline Printing Services Brings Custom Halloween Souvenirs for a Spooktacular Celebration

As the Halloween season approaches, Viyline Printing Services helps everyone prepare for a fun and…

3 days ago

3 Travel Fits We’re Copying From Yiv Cortez’s Macau Trip

Team Payaman’s Viy Cortez-Velasquez recently surprised the Tumbaga-Cortez family with a spontaneous getaway to Macau!…

3 days ago

Clouie Dims Shares Snippets of Her Recent Siargao Trip

Talagang mas pinasaya ang pinakabagong YouTube vlog ni Clouie Dims dahil ibinida niya ang kanyang…

3 days ago

Yiv Cortez Tries TikTok Food Trends in Her Latest Vlog

Naghatid ng masayang “mukbang” content ang Team Payaman Next-Gen vlogger na si Yiv Cortez matapos…

4 days ago

Pat Velasquez-Gaspar Brings Her Creative Ideas to Life with Cricut Philippines

Known for her eye for design and love for all things DIY, content creator Pat…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Recent Fun Adventures

Masaya at puno ng bonding ang bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez kasama ang asawang si…

5 days ago

This website uses cookies.