Chef Enn Prepares Another Mouthwatering Dishes for Team Payaman in Congpound

Panibagong araw, panibagong recipe na naman ang hatid ng resident Chef ng Team Payaman na si Kenneth Silva, a.k.a Chef Enn. 

Sa kanyang bagong vlog, muling ipinasilip ni Chef Enn kung paano nya ipinagluluto ng masasarap na putahe ang mga miyembro ng Team Payaman. 

Kung sa Payamansion 2 ay buong tropa ang pinagluluto ni Chef Enn, ngayon ay namamalagi siya sa tahanan na pinamumunuan nina Cong TV at Viy Cortez. 

Yummy lunch

Sinimulan ni Chef Enn ang kanyang araw sa pamamalengke ng mga ilalahok sa kanyang lulutuing tanghalian sa Congpound. 

For today’s menu, naisip ni Chef Enn na maghain ng Pork Giniling at Tortang Talong. Matapos mamalengke ay diretso kusina na ito upang ihanda ang mga putaheng naghihintay sa tropa. 

Unang naglaga si Chef Enn ng Itlog Pugo na isasahog sa Pork Giniling, isinabay na rin nito ang pag-iihaw ang Talong.  Sunod na inihanda ang labing pitong piraso ng itlog na kanyang gagamitin sa Tortang Talong. 

Bagamat natataranta na dahil pasado alas onse na ng umaga nang siya ay makaluto, nagawa pa ring tapusin ni Chef Enn ang kanyang menu. 

Taste test

Bukod kina Viy Cortez, Cong TV, at iba pang kasamahan sa tahanan ng dalawa, naisipan din ni Chef na dalhan ng kanyang niluto ang mga kapitbahay sa Congpound. 

Unang dinala ni Chef Enn ang mga putahe sa mga kaibigan sa Content Creator House gaya nina Yow Andrada, Dudut Lang, Clouie Dims, at iba pa. 

“Savior ka! Tignan mo ginagawa ko… umo-order ako sa Grab, eh dumating ka pre!” ani Dudut. 

Samantala, pagbalik ay kasabay namang nananghalian ni Chef si Cong TV kung saan napag usapan din nila ang pagpunta ng grupo sa La Union.

“So ayun guys, nakatapos tayo ng Pork Giniling natin at yung Tortang Talong. Hanggang sa susunod na content. Thank God at nakapagluto tayo ng maayos.”

Ikinatuwa naman ng netizens ang panibagong cooking vlog na hatid ni Chef Enn. 

Kim Franco: “the multi tasker king sa pagluluto in tp!! bangis mo talaga chepiti.”

Marjorie Maas: “Kakapanuod ko Ng vlog mo, na adapt ko n Yung paghihiwa mo Ng sibuyas chef hahaha”

DayOff ni Goryo TV: “Smooth parin kahit under pressure. Solid talaga sa kusina si Chef ingat ka lage jan Chef”

Watch the full vlog below: 

Kath Regio

Recent Posts

Boss Toyo’s Pinoy Pawnstars to Air on PTV

Mapapanood na sa People’s Television Network Inc. o PTV ang “Pinoy Pawnstars” na negosyo at…

2 days ago

#MaiklingKwento: Ser Geybin and Elma Asagra Star in a Tear-Jerking Romantic Short Film

Magkahalong kilig at lungkot ang hatid ngayon ng internet sensations na sina Ser Geybin Capinpin…

2 days ago

LOOK: Cong TV at Ang Pangarap Niyang Long Hair

Sa kabila ng mainit na panahon, isa sa pagsubok na hinaharap ng Team Payaman headmaster…

3 days ago

#perfectCONGVIYnation: Cong TV and Viy Cortez Sizzle in Balesin, Island Prenup Shoot

Just recently, soon-to-wed Team Payaman couple Cong TV and Viy Cortez visited Balesin Island to…

3 days ago

Cong Clothing Drops Newest ‘LOWKEY and LOUD’ Collection

If you’re looking for a shirt to complete your aesthetic fit check, Cong TV’s clothing…

4 days ago

Daddy Diaries: Here’s How Daddy Cong TV Persuades Kidlat to Brush His Teeth

Nahaharap sa panibagong pagsubok bilang ama ang legendary YouTube vlogger na si Cong TV, ito…

4 days ago

This website uses cookies.