Payaman Insider Boys Share Crazy Business Ideas in New Podcast Episode

Muling nagbabalik ang Team Payaman boys para sa isang makabuluhan at kwelang usapan sa Payaman Insider podcast sa Spotfiy

Hatid ngayon nina Boss Keng, Burong, Junnie Boy, at Carding ang nakakatuwang kwentuhan tungkol sa negosyo o pakikipagpalitan ng produkto at serbisyo sa mga mamimili. 

Sa nakalipas na episode ng Payaman Insider, itinampok ang mga produkto at serbisyong nais nilang iambag sa industriya ng mga hayop, gusali, at palakasan.

Sa pagpapatuloy ng kwentuhan, tinalakay naman nila ang iba pang industriya gaya ng sektor ng edukasyon.

Goods and services

“Anong serbisyo o produkto ang gusto mong ilabas sa sektor ng edukasyon?” ito tanong na bungad ni Burong sa kanyang mga kasamahan.

Dahil madalas na maiwanan o maiwala ng mga guro at mag-aaral ang panulat o ballpen, nakaisip si Boss Keng ng isang produktong tatapos sa problemang ito.

“Ang tawag sa produkto ko na ‘to ay pen-brella. Ang ballpen na ito ay pwede niyong gawing payong,” ani Boss Keng.

Ang penbrella diumano ay magaan at maaari ring gamitin upang maiwasan ang pangongopya tuwing may pagsusulit.

Kakaibang suhestiyon naman ang ibinigay ni Junnie Boy. 

“Ito ay tatawagin kong bagdan. Kasi nung bata ako, yung over the bakod ko talagang talon-talon, eh!” paliwanag ni Junnie Boy na tila hindi nakumbinsi ang kanyang mga kaibigan.

“Ang target ko naman dito, yung mga kababayan nating Pilipino na kinapos sa height,” dagdag ni Junnie Boy. 

Sunod na nagbigay ng ideya si Carding na magbibigay serbisyo na kada isang mag-aaral ay may nakatutok na isang guro.

“Gagawa ako ng eskwelahan na yung mga teacher kasing dami ng mga estudyante. Tutok yun par,” paglilinaw nito. 

Huling nagbigay ng kakaibang ideya si Burong kung saan hindi na kakailanganin ng mga school bus o service. 

“Yung school na gagawin ko, gagawa ako ng tunnel sa ilalim. Ang labas nun par, sa upuan na. Makikinig ka na lang,” paliwanag ni Burong.

“Kung claustrophobic ka, kami maghuhukay, may sizes lang,” dagdag pa nito.

Listen to the full episode below:

Claire Montero

Recent Posts

Cong TV Reveals His Anbilibabol Team’s Official Jersey

Dahil nalalapit na ang inaabangang paghaharap ng Cong’s Anbilibabol Basketball Team at Star Magic boys,…

1 day ago

Makeup Looks We’re Stealing from Vien Iligan-Velasquez

It is no secret that Team Payaman’s Vien Iligan-Velasquez is one to look out for…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Barbie Imperial to a Cook-Off

Muling nagbabalik ang Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez hatid ang ika-limang episode ng…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Gears Up for Her Next-Level Vlog Releases

Matapos ang buwis-buhay na content sa Cebu, kaabang-abang na naman ang bagong vlogs na inihahanda…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Continues to Brew VIYsness at SM City Cabanatuan

After a successful run in Quezon City, the Viyline MSME Caravan officially launched its 7th…

2 days ago

IT’S OFFICIAL: Team Payaman Fair is Coming to Cebu!

It’s official! The biggest influencer event — Team Payaman Fair — is set to bring…

3 days ago

This website uses cookies.