Team Payaman’s Clouie Dims Reveals Newest Business Venture

Ibinida ni Team Payaman vlogger Clouie Dims ang mga bagong negosyo nitong binuksan sa nagdaang Team Payaman Fair noong March 8-12 sa SM Megamall Megatrade Hall. 

Kasabay ng paghahanda ay ang pagbabahagi nito ng kanyang masasayang karanasan sa TP Fair kasama ang kanyang mga taga suporta.

TP Fair Experience

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Clouie ang kanyang epic Team Payaman Fair expeience kasama ang ibang kapwa vlogger at negosyante. 

Katuwang nito nobyong si Dudut Lang mula sa paghahanda hanggang pakikipag-bonding sa mga fans mula sa una at ika-limang araw ng TP Fair. 

Laking pasasalamat naman ni Clouie sa kapatid ni Viy Cortez na si Ivy Cortez-Ragos na syang punong abala sa pag-aasikaso sa TP Fair.

“Sobrang busy ni ate Ivy! Thank you so much ate Ivs!” ani Clouie.

Ibinida rin ng proud girlfriend ang coffee business ng nobyo nitong si Dudut Lang, ang OverBreak.

Ilang oras matapos opisyal na buksan sa publiko ang Team Payaman Fair, isa sina Clouie at Dudut sa mga nakapanayam ng VIYLine Media Group para sa isang masayang chikahan.

“Sobrang saya po, hindi po ako makapaniwala na may nakakakilala pala sa akin!” kwento ni Clouie.

Hindi nagtagal ay sumabak din sina Clouie at Dudut sa isang couple quiz na talaga namang nagpakilig sa madla.

Buong tapang ding sinagot ni Dudut kung nape-pressure ba ito sa mga kaibigan na isa ng na-eengage at kinakasal.

Matapos ang kanilang on-stage interview ay bumalik na ang mga ito sa kani-kanilang mga booth upang magtinda at makipagkamustahan sa kanilang mga taga-suporta. 

New Business

Matapos maglibot sa TP Fair, sinimulan na ng Team Clouie ang pag-aayos ng kanilang booth.

“Ang ganda! Parang pambabae talaga. Ang aesthetic [nung booth]!” komento ni Dudut.

Bukod sa kanyang mga pre-loved items, isa rin ang mga luxury-scented perfumes, at non-tarnish gold plated jewelries sa mga bagong produkto ni Clouie sa kanyang Miss Clouie business na ekslusibong binuksan sa TP Fair.

“Maraming maraming salamat sa lahat ng bumili ngayong araw! Abangan pa natin ang pwedeng mangayari sa mga susunod na araw!” pasasalamat ni Clouie. 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

8 hours ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

1 day ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

2 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

2 days ago

This website uses cookies.