Top Trending: Cong TV Wows Team Payaman Fair with Michael Jackson Impersonation

Isa sa mga highlight ng nagdaang Team Payaman Fair ay ang surprise Michael Jackson impersonation ni Team Payaman Headmaster Cong TV.

Bukod sa kanyang fiance na si Viy Cortez, naaliw din kay “Michael Jackscong” ang mga dumalo sa TP Fair. 

The Preparations

Sa kanyang bagong vlog na ngayong ay top 1 trending sa YouTube, ibinahagi ni Cong TV ang kanyang kakaibang pasabog para sa huling araw ng Team Payaman Fair noong March 12.

Sa tulong ng kanyang mga kaibigan at ilang kasamahan sa Congpound, naisakatuparan ang hiling ni Cong TV na maging isang Michael Jackson for a day.

Isa sa mga tumulong sa kanyang misyon ay ang batikang MJ impersonator na una na nilang nakasalamuha noong 2020 sa Payamansion 1.

Pagkatapos ng kamustahan ay kinasa na ni Cong ang kanyang Michael Jackson transformation. 

“Ang goal dito talaga, as much as possible, hindi ma-recognize ng tao yung mukha ko. Kasi gusto ko makaikot sa fair eh!” ani ng 31-anyos na vlogger.

Bukod sa MJ costume at accessories, nag makeup din si Cong TV upang makumpleto ang kanyang disguise. 

Michael Jackson Live at TP Fair

Pagkatapos maghanda ay excited na nagtungo si Cong TV sa Team Payaman Fair na ginanap sa SM Megamall Megatrade Hall. 

Patay malisya itong pumasok sa loob habang sinusubukang umiwas makilala ng kanyang mga taga-suporta.

Wala pang limang minuto ay nakilala agad ito ng kanyang mga fans at agad na dinumog upang makapagpa-picture.

“Akala ko hindi ako makikilala!” kwento nito.

Bukod sa kanyang pakay na maka-ikot sa loob ng venue, balak din nitong surpresahin si Viy Cortez na diehard fan ng tinaguriang “King of Pop.”

Ilang sandali lang ay naghatid pa ng isang pangmalakasang Michael Jackson performance si Cong TV na siyang ikinatuwa ni Viy Cortez at ng mga manonood.

Tawanan at hindi malilimutang karanasan ang baon ng Team Payaman Fair attendees matapos masaksihan Michael Jackson transformation ni Cong TV.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

1 day ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

This website uses cookies.