Dudut Surprises Overbreak Customers at Team Payaman Fair with Cool Prizes

Kakaibang surpsesa ang hatid ni Team Payaman vlogger Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, sa mga customer ng Overbreak sa nagdaang Team Payaman Fair. 

Isa ang coffee shop business ni Dudut sa mga negosyong itinampok sa Team Payaman Fair nitong March 8-12, 2023 sa SM Megamall Megatrade Hall. 

Bilang pasasalamat sa lahat ng bumili at sumuporta sa kanyang mga produkto, niregaluhan ni Dudut ang lahaht ng bumili sa sa OverBreak.

Bunutin mo, Bibilhin ko!

Sa ika-apat na araw ng Team Payaman Fair, naisipan ni Dudut na regaluhan ang kanyang mga customers sa pamamagitan ng palarong “Bunutin mo, Bibilhin ko!”

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ni Dudut kung paano nya sinurpresa ang mga matyagang pumipila para bumili ng kape at iba pang refreshment drink sa Overbreak. 

“Pabibilhin ko kayo ng Overbreak, tapos pag bumili kayo may tyansa kayong bumunot dito, lintik yung mga premyo,” ani Dudut.

Ang mga pa-premyo sa nasabing palaro ay mabibili rin sa booth ng kanyang kapwa influencers at vloggers sa nasabing summer bazaar. 

Kabilang sa mga napanalunan ng mga maswerteng customers ay power bank mula sa McDodo, cooking pan mula sa Wok Bang, Cong Clothing shirt, insulated tumbler mula sa Aqua Flask at Gulp Club, at mga pagkain mula sa Bursger ni Burong at TiBabi’s Kitchen ni Kevin Hermosada at Abi Campañano. 

“Thank you kay Boss Dudut! Dudut lang malakas!” pasasalamat ng isang nanalo. 

Backstage pass

Samantala, isa pa sa mga papel na maaring mabunot ng mga customer ng OverBreak ay naglalaman ng mga salitang “Backstage.”

Ibig sabihin, ang maswerteng customer ay magkakaroon ng tyansang makapunta sa backstage ng Team Payaman Fair, kung saan maari nilang makasalamuha at makapag selfie sa iba pang Team Payaman member. 

Kabilang sa kanilang mga nakasalamuha ay sina RogerRaker, Burong, Junnie Boy, Yow, at Cong TV

Sobrang thank you! Biruin mo, 100 lang dala ko, nakapasok pa ako sa backstage!” sambit ng isang lucky winner.

“Unexpected! Thank you, Dudut lang!” dagdag naman ng isa pa. 

At dahil sobrang enjoy sa Team Payaman Fair, para kay Dudut, dapat daw gawin ng regular ang Team Payaman Fair. 

“Feeling ko dapat everyday ‘to eh! Regular na, parang office na!”

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

3 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

4 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

5 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

5 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

6 days ago

This website uses cookies.