Pat Velasquez-Gaspar and Boss Keng Reveal Baby Boy’s Name

Matapos isiwalat ang kasarian ng kanilang panganay, sunod na isinapubliko ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar ang magiging pangalan ng kanilang unico hijo. 

Masaya ring ibinahagi ni Pat ang ilang pagbabago na kanyang nararanasan dahil sa pagbubuntis. 

Pregnancy Update

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Pat ang isang maikli ngunit nakakatuwang balita tungkol sa kanilang panganay ni Boss Keng.

“5 months to go guys, lalabas na si Isla! So nakita na namin yung hitsura ni Isla, kamukhang kamukha s’ya ng daddy n’ya pero too early to say kasi tumingin ako ng hitsura ng mga baby, lahat sila magkakamukha!” bungad ni Pat.

Ipinaliwanag din ng nakababatang kapatid ni Cong TV ang mga pagsubok na pinagdaanan nito sa unang bahagi ng kanyang paglilihi.

“Mayroon naman akong mga videos sa first trimester ko na gusto kong i-share sa inyo this March. Para maishare ko naman sa inyo guys yung mga struggles and challenges ng mga nanay, which is yun din naman talaga na-experience ko.” paliwang nito.

Ayon kay Mrs. Gaspar, malaking pagbabago ang kanyang kinaharap ngunit laking pasasalamat din nito sa pag gabay ng kanyang pamilya at kaibigan. 

Samantala, bukod naman sa kanyang mood swings, isa rin aniya ang paglilihi sa pagkain ang kasalukuyang hinaharap nito sa pagdadalang tao.

Name reveal

At syempre, excited din ang soon-to-be-daddy na si Boss Keng matapos masaksihan ang high-definition ultrasound result ng kanilang baby boy.

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Boss Keng ang larawan ng kanilang baby at ipinakita rin sa kanyang mga kasamahan sa Congpound.

Sunod naman na ibinunyag ng mag-asawa ang naisip nilang pangalan para sa kanilang panganay. 

“Hindi pa s’ya nabubuo naka-tattoo na s’ya sa mga katawan namin. Pag girl ang aming baby, ang pangalan nya ay Isla (Aila) Patriel. So kung lalaki naman, ang name n’ya ay Isla Patriel. Same spelling lang pero magkaiba ng pronunciation,” pagbabahagi nito.

Nagtungo rin sina Pat at Keng sa Hello Baby para sa kanilang ultrasound appointment.

“Ang sakit ng ulo ko, kinakabahan ako!” kwento ni Boss Keng.

Maya-maya lang ay sabay na nasaksihan nina Boss Keng at Pat ang unti-unting pagpapakita ng kanilang Baby Isla sa ultrasound screen.

“Boss Keng kamukha mo!” bati ni Pat.

“Uy grabe ka naman!” reaksyon ni Boss Keng.

Pagkauwi ay ibinalita na agad ni Boss Keng sa kanyang mga kasamahan sa Congpound ang ultrasound result ng kanyang asawa.

“Kaninong ilong ‘to?! Sino kamukha nito?”  biro ni Cong TV.

“Oo nga, parehas nga kayo ng ilong!” dagdag ni RogerRaker.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Here Are the Best Ways to Use Viyline’s Perfect Scent Spray N’ Wipe for Quick Clean-Ups

Looking for a cleaner that smells amazing and gets the job done fast? Viyline’s Perfect…

8 minutes ago

EXCLUSIVE: Pat Velasquez-Gaspar Shares the Birth of Ulap Patriel

February 28, 2025 nang ipanganak na ng Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar ang…

3 hours ago

Cong Clothing Drops An Exclusive Summer 2025 Collection

For the first time this year, Team Payaman’s Cong TV’s very own clothing line, Cong…

1 day ago

Boss Keng Shares Snippets of Kuya Isla’s Swimming Bonding with Mommy Pat

Sa pinakabagong vlog ng Team Payaman member na si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng,…

2 days ago

Summer Just Got Better with Viyline MSME Caravan at SM Dasmariñas

The VIYLine MSME Caravan is a great opportunity for local business owners to show their…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Get Real About Being Second-Time Parents

Matapos ang matagal na paghihintay, masayang ibinahagi ng Team Payaman power couple na sina Viy…

1 week ago

This website uses cookies.