Cong TV Exclusively Released ‘Papa Cocon’ Episode During TikTok Live Selling

Isang linggo matapos yanigin ang social media ay hindi pa rin nakaka-move on ang mga netizens sa “Papa Cocon” fever na hatid ni legendary YouTube vlogger, Cong TV.

Sa kanyang TikTok live selling kamakailan lang ay ekslusibong ipinasilp ni Lincoln Velasquez ang ilang parte ng kanyang DIY kid-friendly video na ginawa para sa anak nitong si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Baby Kidlat.

Papa Cocon Fever

Mula ng ipalabas ni Cong TV ang kanyang vlog na Papa Cocon, numero unong hiling na ng netizens na ilabas nito ang full episode ng “Learning with Papa Cocon.” 

Kaya naman sa isang pambihirang pagkakataon, ekslusibong inilabas ni Cong ang ilang parte ng nasabing video sa naganap na TikTok Live Selling ng Cong Clothing nitong Martes, Feb. 28, 2023. 

Bagamat maikli lang ang ipinasilip ni Cong, naging hudyat ito upang lalong magalak ang kanyang mga taga-suporta. 

Netizens’ Reactions

Sa Isang Facebook post, ekslusibo ring ibinahagi ng VIYLine Media Group ang screen recording ng Papa Cocon mula sa live selling ni Cong TV.

Kalakip ng nasabing Facebook post ay ang mga komento ng mga taga-suporta ng Team Payaman.

Korie Din-ang: “Ang cute tas bright idea…tas super effort”

Ada Laureola: “Ako pinapanood ko papa Cocon haha. Natatawa ako sa reaksyon ni mam viy at ng mga team payaman haha”

Grealey Habibti: “Alaga Ko dito saudi sobrang aliw nya grbe ang tawa nya sabi pa nya I want to watch papa Cocon!” 

Myla Galandes Gache: “Pinanood ko sa baby ko. Umiyak Ng umiyak tuloy baby ko!”

苦しんで います: “Ang blippi ng pilipinas!” 

Kung hindi mo man nasubaybayan ang live selling, maaaring bisitahin ang opisyal na Facebook page ng VIYLine Media Group upang mapanood ang nakakaaliw na pag gaya ni Cong TV sa sikat na YouTuber na si Teacher Rachel.

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.