Categories: Uncategorized

Boss Keng and Pat Velasquez-Gaspar Reveals First Baby’s Gender

Dumating na ang araw na pinakahihintay ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar matapos malaman ang kasarian ng kanilang panganay. 

Kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan, sama-sama nilang tinunghayan ang gender reveal ng pinakabagong Team Payaman baby ng mag-asawang PatEng.

It’s A Boy!

Sa kanyang bagong vlog, buong galak na ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay nila ni Boss Keng. Bukod sa gender reveal ay ipinagdiwang din ni Pat ang kanyang kaarawan.

Dinaluhan ng buong Team Payaman ang nasabing selebrasyon na ginanap sa loob ng Congpound. Ang nasabing gender reveal na may temang Native Pinoy Fiesta na naisakatuparan sa tulong ng Awesome Events PH.

Bago pa man magsimula ang programa, naka kasa na ang mga hula ng Team Payaman sa magiging kasarian ng Boss Madam baby.

“Girl!” “Boy!” sambit ng mga ito.

“Girl ako, girl! Kasi blooming ka ‘eh!” hula ni Tita Krissy Achino.

“Ako rin, ‘yun yung naisip ‘ko!” dagdag ni Burong.

Sapagkat kilala ang larong Pukpok Palayok sa mga handaan at kasiyahan sa Pilipinas, naisip ng mag-asawang Boss Keng at Pat na na sundin ang temang ito para sa kakaibang twist ng gender reveal ng kanilang panganay.

Nang paluin na ni Boss Keng ang palayok, ibang kulay ang lumabas dito dahilan upang iparating na hindi pala iyon ang tamang palayok.

Naudlot ang kagalakan ng mag-asawang Pat at Keng ngunit laking ngiti ng mga ito nang lumabas ang kulay asul na confetti.

Pagkataas-taas na talon at mahigpit na yakap ang naging salubong ng mga kaibigan at kamag-anak nina Keng at Pat matapos nilang mapagalaman na Little Keng ang panganay ng mag-asawa.

Heartwarming Messages

Matapos malaman ang kasarian ni Little Keng, bumuhos naman ang sari-saring emosyon ng kanilang pamilya at mga kaibigan.

Samantala, isang mahigpit na yakap ang sumalubong kay Pat mula sa nakatatandang kapatid nitong si Cong TV.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

3 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

4 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

4 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

5 days ago

This website uses cookies.