Bilang paghahanda sa pagsabak sa bentahan sa Team Payaman Fair, muling bumisita si Michael Magnata, a.k,.a Mentos, sa hometown ng kanyang Haring Bangus business.
Sinama ni Mentos ang kanyang mga manonood sa isang road trip papuntang Dagupan, Pangasinan upang mag-angkat ng stocks ng Haring Bangus.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Mentos ang naging paglalakbay patungo sa Pangasinan upang mag-angkat ng mga bangus na ibebenta para sa nalalapit ng TP Fair.
Bukod sa pagkuha ng stocks ay pakay din ni Mentos na ipakita sa kanyang mga manonood ang proseso ng pag-angkat at preparasyon bago ito ibenta.
“Para kapag umorder kayo, I make sure on my own, na fresh s’ya at hindi nagtatagal [kasi] walang preservatives, so makikita n’yo kung gaano s’ya ka-fresh!” kwento ni Mentos.
“Sa mga hindi nakaka-alam, yung Haring Bangus galing pa talaga s’ya ng Dagupan kaya s’ya quality!” dagdag pa nito.
Matapos ang mahabang byahe ay agad nagtungo sina Mentos sa kanyang supplier na binansagan niyang “Reynang Bangus.”
“Ayan guys, ganyan ka-fresh ‘yan! Kitang kita n’yo yung bawang. Madami!”
Ipinakita rin ni Mentos ang proseso na pinagdadaanan ng kanyang mga produkto bago pa ito makarating sa Maynila.
“Kapag dumadating yung bangus, nililinis, sunod ide-debone, tapos ibababad na s’ya sa lokal na suka na gamit nila.”
Ipinakita rin ni Mentos ang kanilang secret ingredient dahilan upang magkaroon ng katamtamang alat na lasa ang Haring Bangus.
Pumunta naman si Mentos sa isang fish farm na mahigit sa tatlong ektarya ang laki, kung saan nanggagaling ang kanyang mga produkto.
Sa tulong ni Blas Abad, ama ng supplier ng Haring Bangus, nilibot ni Mentos ang kanyang manonood sa palaisdaan na pinagmulan ng mga bangus.
Itinuro rin kay Mentos ang kanilang mga proseso sa pagpapalaki, pagpapakain, at panghuhuli ng bangus na ibebenta sa palengke.
“Babalik kami sa March. Ia-update namin si Madam [Anna] kung harvest time na. Titignan natin kung paano yung technique na ginagawa nila sa pag-harvest at pagpapakain ng bangus.”
Ang mga produkto ni Haring Bangus, pati na rin ang pinakabago nitong Bangus Shanghai ay mabibili sa Team Payaman Fair na gaganapin sa March 8-12 sa SM Megamall Megatrade Halls 1- 3. Huwag kalimutang i-follow ang Haring Bangus’ official Facebook page para sa iba pang detalye.
Watch the full vlog below:
Known for their Instagrammable and affordable women’s OOTD selections, Ivy’s Feminity is set to level…
Mula sa pagbabahagi ng kanyang “buhay estudyante” sa kanyang mga vlogs at TikTok content, isang…
Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …
This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…
Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…
This website uses cookies.