Boss Keng Surprises House Helper with Glam Central by Pat and Keng Makeover

Isang total makeover ang regalo ni Christian Exekiel Gaspar, a.k.a Boss Keng sa kanilang bagong katuwang sa bahay ng asawang si Pat Velasquez-Gaspar. 

Sa kanyang bagong vlog, pinasilip ng Team Payaman vlogger ang naging “pamper session” ni Nanay Mercy na sagot syempre ng Glam Central Salon and Spa by Pat & Keng. 

Makeover Pamper Reward

Bago isakatuparan ang kanyang pina-planong surpresa, nagpaalam muna si Boss Keng sa kanyang maybahay na si Pat Velasquez-Gaspar na ngayon ay apat na buwan nang ipinagbubuntis ang kanilang panganay. 

Agad nitong inaya si Nanay Mercy at sinabing mamimili lang sila ng mga kailangan sa bahay. Ayon kay Keng, magdiriwang din ng kanyang ika-51 na kaarawan ang nasabing kasambahay.

Sinundo rin ni Boss Keng ang Store Supervisor ng Wagyuniku by Pat & Keng na si Lian, lingid sa kaalaman ng dalawa na isang surpresang makeover pala ang naghihintay sa kanila. 

Pagdating sa Glam Central by Pat & Keng na matatagpuan sa Molino Cavite, inatasan nito ang mga staff na ibigay ang full makeover package kina Nanay Mercy at Lian. 

“Si Nanay birthday ni nanay bukas. Si Lian magaling ‘to sa trabaho kaya alagaan nyo sila,” ani Keng. 

Kabilang sa pinagawang serbisyo sa dalawa ay foot spa, manicure, pedicure, massage, eyelash extension, at hair makeover.

Samantala, matapos maghanap ng pwesto para sa bagong negosyo na “Burgeran” at maglaro ng basketball ay binalikan ni Boss Keng ang dalawa na talaga namang nag “Glow Up” at “Glamified” matapos ang kanilang “pamper session.”

“Masaya po, tanggal stress. So thank you, Boss Keng at Ma’am Pat sa pa-pamper!” pasasalamat ni Lian sa kanyang mga butihing boss.

“Singkwenta-y-uno anyos, nung pumunta sa Glam (Central) nabawasan ng bente anyos!” ani Boss Keng matapos makita ang makeover ni Nanay Mercy. 

Happy Birthday, Nanay Mercy!

Pero hindi pa natapos ang sorpresa ni Boss Keng sa kanilang kasambahay. Dahil kaarawan din kinabukasan ni Nanay Mercy, naghanda si Keng ng munting salo-salo at birthday cake para dito.

Masaya namang sinalubong ng pagbati ng Boss-Madam household ang kanilang katuwang sa bahay at maagang ipinagdiwang ang kanyang kaarawan. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Netizens React to Vien Iligan-Velasquez’s Heartfelt Message Addressing Critics

Punong-puno ng inspirasyon ang mensahe ni Vien Iligan-Velasquez para sa kanyang mga bashers matapos niyang…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Shares New OOTD Picks from SHEIN Philippines

Known for her classic and aesthetic OOTD picks, Viy Cortez-Velasquez is back with a fresh…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Comes Back with a Family Life Update Vlog

Muling nagbabalik ang Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez sa pagva-vlog hatid ang latest…

2 days ago

Kidlat Shines in Christmas-Ready Fits from Moose Gear Kids

With the Christmas season approaching, Team Payaman’s youngest member, Kidlat, shines in his recent fit…

2 days ago

Kha Kha Villes Expresses Gratitude to Team Payaman Amid Personal Loss

Sa gitna ng pagdadalamhati matapos ang pagkawala ng kanilang inaasahang anak, nagpahayag ng pasasalamat ang…

2 days ago

NETIZENS’ NEW INAANAK ALERT: Ninong Ry Welcomes Second Child, Baby Rafa

Puno ng pasasalamat na ibinahagi ng Team Payaman chef at food content creator na si…

2 days ago

This website uses cookies.