Boss Keng Surprises House Helper with Glam Central by Pat and Keng Makeover

Isang total makeover ang regalo ni Christian Exekiel Gaspar, a.k.a Boss Keng sa kanilang bagong katuwang sa bahay ng asawang si Pat Velasquez-Gaspar. 

Sa kanyang bagong vlog, pinasilip ng Team Payaman vlogger ang naging “pamper session” ni Nanay Mercy na sagot syempre ng Glam Central Salon and Spa by Pat & Keng

Makeover Pamper Reward

Bago isakatuparan ang kanyang pina-planong surpresa, nagpaalam muna si Boss Keng sa kanyang maybahay na si Pat Velasquez-Gaspar na ngayon ay apat na buwan nang ipinagbubuntis ang kanilang panganay

Agad nitong inaya si Nanay Mercy at sinabing mamimili lang sila ng mga kailangan sa bahay. Ayon kay Keng, magdiriwang din ng kanyang ika-51 na kaarawan ang nasabing kasambahay.

Sinundo rin ni Boss Keng ang Store Supervisor ng Wagyuniku by Pat & Keng na si Lian, lingid sa kaalaman ng dalawa na isang surpresang makeover pala ang naghihintay sa kanila. 

Pagdating sa Glam Central by Pat & Keng na matatagpuan sa Molino Cavite, inatasan nito ang mga staff na ibigay ang full makeover package kina Nanay Mercy at Lian. 

“Si Nanay birthday ni nanay bukas. Si Lian magaling ‘to sa trabaho kaya alagaan nyo sila,” ani Keng. 

Kabilang sa pinagawang serbisyo sa dalawa ay foot spa, manicure, pedicure, massage, eyelash extension, at hair makeover.

Samantala, matapos maghanap ng pwesto para sa bagong negosyo na “Burgeran” at maglaro ng basketball ay binalikan ni Boss Keng ang dalawa na talaga namang nag “Glow Up” at “Glamified” matapos ang kanilang “pamper session.”

“Masaya po, tanggal stress. So thank you, Boss Keng at Ma’am Pat sa pa-pamper!” pasasalamat ni Lian sa kanyang mga butihing boss.

“Singkwenta-y-uno anyos, nung pumunta sa Glam (Central) nabawasan ng bente anyos!” ani Boss Keng matapos makita ang makeover ni Nanay Mercy. 

Happy Birthday, Nanay Mercy!

Pero hindi pa natapos ang sorpresa ni Boss Keng sa kanilang kasambahay. Dahil kaarawan din kinabukasan ni Nanay Mercy, naghanda si Keng ng munting salo-salo at birthday cake para dito.

Masaya namang sinalubong ng pagbati ng Boss-Madam household ang kanilang katuwang sa bahay at maagang ipinagdiwang ang kanyang kaarawan. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Junnie Boy Shares Hilarious ‘Hiding Spots’ for Home Security in Latest Vlog

Naghatid ng aliw sa mga manonood ang Team Payaman dad na si Junnie Boy matapos…

1 day ago

Boss Keng Introduces Team Boss Madam’s New Talented Editor

Isang talentadong video editor mula sa Team Boss Madam ang ipinakilala ni Boss Keng sa…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Memorable ‘Disney On Ice’ Experience with Family

Kamakailan lang, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang isang family bonding…

2 days ago

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

4 days ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

4 days ago

This website uses cookies.