Opisyal na ipinakilala ni Cong TV sa kanyang manonood ang rescue dog ng Team Payaman na pinangalanan nilang “Nyeti.”
Sa kanyang bagong vlog, ikinuwento rin ng 31-anyos na si Lincoln Velasquez kung paano napunta sa kanila ang nasabing alagang aso.
Ayon kay Cong, ang dating caretaker sa Payamansion na si Kuya Inday ang unang kumupkop kay Nyeti kaya napunta ito sa sa Team Payaman.
“Homeless (dog) ni-rescue ni Inday, dinala sa Payamansion,” ani Cong TV.
Dahil napamahal na sa kanila ang nasabing aso ay nagpasya ang grupo na isama na ito sa paglipat ng bahay sa Congpound.
Kwento pa ni Cong, minsan na nilang dinala sa veterinary clinic si Nyeti kung saan naging opisyal ang pangalan nitong “Ny*ta” o short for “Puny*ta.”
Paliwanag naman ni Cong, kaya naging “Nyeta” ang pangalan ng nasabing aso dahil noong una ay ayaw pa itong papasukin sa Payamansion ng ibang miyembro ng Team Payaman at inakalang aso ito ng kapitbahay.
“Ang history kasi niyan, dinala yan sa bahay ‘di ba? Ayaw papasukin ng mga tao, nagagalit sila! (Sinasabi) ‘Kanino ba ‘to? Puny*ta!”
Minsan na rin daw nawala ang aso sa subdivision, pero dahil sa hiya na tawagin at isigaw ang pangalan nito, binansagan na lang itong “Nyeti” ni Cong TV.
“Nakita niyo si Nyeti?” bungad ni Cong TV sa kanyang mga kasamahan sa Congpound dahil tila nakatakas na naman ng bahay ang kanilang rescue dog.
Ang nasabing paghahanap ang naging dahilan upang maisip ni Cong na lagyan ng gate ang Congpound.
Unang bumili ng pansamantalang gate si Cong TV para maiwasang makalabas sa Congpound ang kanilang mga alagang aso.
Kalaunan ay nagkaroon na ng opisyal na gate ang apat na bahay sa Congpound.
Watch the full vlog below:
Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…
Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…
In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…
Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…
Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
This website uses cookies.