Matapos na opisyal na ipakilala sa publiko ang kanilang bagong negosyo ni Boss Keng, ipinasilip ngayon ni Junnie Boy ang paghahandang ginagawa nila para sa pagbubukas ng “Burgeran.”
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng nakababatang kapatid ni Cong TV ang contract signing, photoshoot at maging pagbisita nito sa magiging pwesto ng kanyang bagong food business.
Unang ibinahagi ni Junnie Boy ang naging contract signing nila kasama ang may ari ng Burgeran na sina Randy Salamat at Zandra Faye.
Sumabak din sa Q&A sina Junnie Boy at Boss Keng para sa press conference ng nasabing contract signing.
At bilang paghahanda sa pagbubukas ng kanilang Burgeran franchise, sumabak din sa isang pang malakasang photoshoot ang dalawa kasama ang kanilang mga misis na sina Vien Iligan-Velasquez at Pat Velasquez-Gaspar.
Bagamat hindi pa opisyal na nagbubukas ang kanyang Burgeran franchise ay ipinasilip na ni Junnie Boy ang magiging pwesto ng kanyang bagong negosyo na matatagpuan sa Malagasang, Imus Cavite.
Ayon kay Junnie Boy, sa kasalukuyan ang Burgeran ay mayroon ng 30 branches na matatagpuan sa iba’t-ibang parte ng bansa. Si Boss Keng aniya ay magkakaroon din ng sarili niyang franchise ng nasabing negosyo.
At upang ipakilala sa publiko ang kanyang bagong negosyo, namigay din ng mga burgers si Junnie Boy sa mga taong kasama nila sa pagbisita sa nasabing pwesto.
“Boss mag o-open na ang Malagasang chapter ng Burgeran,” ani Boss Keng.
Dagdag naman ni Junnie: “Sa ngayon libre! Ipapatikim namin sa inyo kung gaano kasarap ang burger namin.”
Ang Burgeran Malagasang branch ay magbubukas sa publiko sa February 20, 2023. Maari nyo ring matikman ang sarap ng Burgeran sa darating na Team Payaman Fair sa March 8 – 12 na gaganapin sa SM Megamall Megatrade Halls 1, 2, and 3.
Watch the full vlog below:
The energy at SM Center Muntinlupa was electric as the Viyline MSME Caravan kicked off…
Kung dati’y nakilala sa paggawa ng nakakatawang content online, isa rin ang pagsulat ng kanta…
Isang masayang food adventure sa Vietnam ang ipinasilip ni Clouie Dims kasama ang kapwa Team…
Matapos ang tatlong taon ng matagumpay na pagdadaos ng Team Payaman Fair sa Metro Manila,…
The Cortez-Ragos family, better known as the RaCo Squad, happily celebrated their little princess, Samantha…
Disclaimer: This article may contain triggering content on depression and suicide and is intended for…
This website uses cookies.