Junnie Boy Gives Away ‘Free Taste Burger’ as he Marks Partnership with ‘Burgeran’

Matapos na opisyal na ipakilala sa publiko ang kanilang bagong negosyo ni Boss Keng, ipinasilip ngayon ni Junnie Boy ang paghahandang ginagawa nila para sa pagbubukas ng “Burgeran.” 

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng nakababatang kapatid ni Cong TV ang contract signing, photoshoot at maging pagbisita nito sa magiging pwesto ng kanyang bagong food business. 

Contract Signing and Photoshoot

Unang ibinahagi ni Junnie Boy ang naging contract signing nila kasama ang may ari ng Burgeran na sina Randy Salamat at Zandra Faye.

Sumabak din sa Q&A sina Junnie Boy at Boss Keng para sa press conference ng nasabing contract signing. 

At bilang paghahanda sa pagbubukas ng kanilang  Burgeran franchise, sumabak din sa isang pang malakasang photoshoot ang dalawa kasama ang kanilang mga misis na sina Vien Iligan-Velasquez at Pat Velasquez-Gaspar

Free Taste

Bagamat hindi pa opisyal na nagbubukas ang kanyang Burgeran franchise ay ipinasilip na ni Junnie Boy ang magiging pwesto ng kanyang bagong negosyo na matatagpuan sa Malagasang, Imus Cavite. 

Ayon kay Junnie Boy, sa kasalukuyan ang Burgeran ay mayroon ng 30 branches na matatagpuan sa iba’t-ibang parte ng bansa. Si Boss Keng aniya ay magkakaroon din ng sarili niyang franchise ng nasabing negosyo. 

At upang ipakilala sa publiko ang kanyang bagong negosyo, namigay din ng mga burgers si Junnie Boy sa mga taong kasama nila sa pagbisita sa nasabing pwesto. 

“Boss mag o-open na ang Malagasang chapter ng Burgeran,” ani Boss Keng. 

Dagdag naman ni Junnie: “Sa ngayon libre! Ipapatikim namin sa inyo kung gaano kasarap ang burger namin.”

Ang Burgeran Malagasang branch ay magbubukas sa publiko sa February 20, 2023. Maari nyo ring matikman ang sarap ng Burgeran sa darating na Team Payaman Fair sa March 8 – 12 na gaganapin sa SM Megamall Megatrade Halls 1, 2, and 3. 

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
1107
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *