Team Payaman’s Abi Campañano Prepares Welcome Gift for Congpound Housemates

Bilang bagong tenant sa loob ng “Content Creator House” ng Congpound, naghanda ng munting regalo ang fiance ni Kevin Hermosada na si Abi Campañano para sa kanyang mga kasamahan.

Mula sa La Union ay nag-uwi ng ilang mga pasalubong si Abi na talaga naman nagustuhan ng kanyang mga Congpound housemate at kapitbahay.

La Union Outsourcing

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Kevin Hermosada ang kanilang paghahanda ng kanyang fiance para sa munting welcome gift para sa mga taga-Congpound.

Tama ang inyong nabasa dahil si Abi ang naghanda ng “welcome gift” para sa kanyang pagdating at pamamalagi sa Content Creator House. Kaya naman special La Union Danggit ang handog ni Abi sa kanyang mga kasamahan 

“Yes, danggit kasi favorite namin lahat yan dito [sa Congpound]” ani Kevin.

Pero bago pa man mamahagi ng danggit, ay nagkwento muna si Kevin ng isang nakakatawang pangyayari sa kanilang paglalakbay sa La Union.

Laking gulat ng vlogger nang una nitong maranasan ang pa-free taste sa kanilang bibilhin na danggit mula sa nasabing lugar.

“Ngayon lang ako nakakita ng may pa-free taste talaga. May kanin! [Kaso] nakakahiya naman,” kwento ni Kevin.

“Pero sige, mukhang masarap naman eh!” lakas loob na salaysay ni Abi.

Welcome Gift

Ilang araw matapos ang kanilang La Union trip ay agad na sinimulan nina Kevin at Abi ang pamamahagi ng La Union Danggit sa kanilang mga kasamahan.

Unang binigyan nito ang Team Payaman headmaster na si Cong TV, na nagulat sa kanyang regalong natanggap.

“Para sa akin ‘to? Ayyy, danggit! Sarap nito! Thank you, Abi” saad ni Cong.

Sunod na inabutan nina Kevin at Abi ang iba pang Team Payaman Wild Dogs gaya nina Junnie Boy, Boss Keng, at Burong.

Isa rin si Pat Velasquez-Gaspar sa mga nakatanggap ng regalo mula sa bagong tenant ng Content Creator House. 

“Baliktad sis! [Kaya ka ba nagbigay] para tanggapin ka namin?” biro ni Pat.

Binisita rin ni Abi ang kanyang kapwa Team Payaman Wild Cat na si Vien Iligan-Velasquez na tuwang tuwa sa kanyang regalo.

“Balita ko sis dito ka na daw, kaya pala may pa-danggit ka! Bakit hindi mo dinamihan, ilan kami dito,” biro ni Vien.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

23 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

23 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

23 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.