Soon-to-be Parents Pat and Keng of Team Payaman Shares Precious Pregnancy Moment

Masayang ibinahagi ng mag-asawang Pat Velasquez-Gaspar at Christian Exekiel Gaspar, a.k.a Boss Keng, ang isang hindi malilimutang pagkakataon sa pagbubuntis sa kanilang panganay na anak.

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Pat ang unang beses na narinig nilang mag-asawa ang tibok ng puso ng ipinagbubuntis niyang sanggol. 

Baby’s heartbeat

“So guys, titignan namin yung heartbeat ni baby kasi pwede na akong mag doppler,” panimula ni Pat. 

Sa pamamagitan ng isang Fetal Doppler Heart Monitor, narinig nga ng mag-asawa ang tibok ng puso ng kanilang panganay na ngayon ay higit apat na buwan nang pinagbubuntis ni Pat. 

“Ito yung first time na maririnig namin yung heartbeat ng baby namin kasi yung last ultrasound namin is bawal pa siya, so ito yung first time,” dagdag pa nito. 

Paliwanag ni Mrs. Gaspar, ang nasabing portable doppler ay bigay ng kanyang hipag at kapwa Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez, asawa ni Junnie Boy

“Hindi na ako bumili ng doppler kasi meron naman na siya. So, thank you, Vien, sa sponsor ng doppler,” ani Pat. 

“Ipapamana pa ‘to sa mga next na manganganak na Team Payaman girls,” biro pa nito. 

Hindi naman maiwasan na biruin ni Pat na animo’y takbo ng isang kabayo ang tibok ng puso ng sanggol, habang halos maiyak naman si Boss Keng sa kanyang narinig. 

Samantala, labis ang tuwa ng mag-asawa nang marinig ang heartbeat ng kanilang anak dahil noong una ay hindi pa aniya sila makapaniwala na nagdadalang tao na sila. 

“Sobrang happy kami ni Keng ngayon na nakikita na namin yung paglaki ng tiyan ko, naririnig namin yung heartbeat. Ilang months na lang makikita na namin siya.”

Inanunsyo rin ng dalawa na gaganapin ang gender reveal party ng kanilang anak kasabay ng kaarawan ni Pat sa Feb. 17 

Ayon kay Pat, gusto rin niyang maging memorable ang kaniyang nalalapit na kaarawan kaya isasabay na nila ang gender reveal ni baby.

Watch the full vlog below: 

Kath Regio

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

1 day ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

This website uses cookies.