Chef Enn Shares Mouthwatering Dishes Before Leaving Payamansion 2

Bago tuluyang lisanin ang Payamansion 2 ay pinag luto muna ni Kenneth Silva, a.k.a Chef Enn ang kanyang mga manonood.

Sa huling pagkakataon sa loob ng Payamansion 2 ay naghanda ang resident chef ng Team Payaman ng iba’t-ibang mga putahe para sa kanyang mga kasamahan.

Chef Enn’s TP History

Sa kanyang bagong vlog, nagbalik tanaw si Chef Enn sa ilan sa kanyang mga memorya sa loob ng Payamansion 2, partikular na ang dahilan ng kanyang pamamalagi rito.

“Unang una sa lahat, dahil kay Chef Kim kaya ako napunta sa Payamansion,” kwento ni Chef Enn.

“So si Chef Kim is kasamahan ko dati sa Solaire, na ako po’y isang intern lang na nagkukumpleto ng mga requirements para matapos ko yung pagiging culinary [student] sa Magsaysay,” dagdag pa nito. 

Ayon sa kusinero, isang malaking oportunidad ang trabahong inialok sa kanya ni Chef Kim noong kasagsagan ng pandemya noong 2020.

“Kaya noong chinat ako ni Chef Kim, syempre, ba’t naman ako tatanggi, mga idol natin ‘yon. So, ginrab ko na.”

One Last Cook

Sa nasabi ring vlog ibinahagi ni Chef Enn ang kanyang naging paghahanda para sa pagluluto ng mga huling putahe bago tuluyang umalis sa Payamansion. 

Isinaalang-alang ng nasabing chef ang mga paboritong pagkain ng kanyang mga kasamahan na si Cong TV at Yow gaya ng Galunggong at Ginisang Monggo.

“Every Friday is Monggo day!” saad ni Chef Enn.

Agad na nagtungo si Chef Enn sa palengke upang bilhin ang mga rekado na kakailanganin para sa kanyang cooking session.

Para sa unang hakbang, ginisa ni Chef Enn ang bawang, sibuyas, at kamatis, at ginisa ang laman ng baboy. Ayon kay Chef Enn, asin lang ang sikreto upang maging malasa ang nasabing mga rekado.

Matapos itong gisahin ay ihinalo na ni Chef ang kanyang ginisa sa pinakuluan monggo, kasabay ng mga hiniwang kalabasa.

Inihanda na rin ni Chef Enn ang kanyang kawali na gagamitin sa pagprito ng Galunggong. 

Matapos isalang ang Galunggong at Ginisang Monggo ay agad na ring sinimulan ni Chef Enn ang pagluto sa Halabos na Hipon. 

Tubig, asin, squeezed lemon, at asukal ang pangunahing sangkap na ginamit ni Chef Enn para sa kanyang hipon recipe.

Ilang sandali lang ay ready na para sa pananghalian ng Team Payaman at ang mga inihandang pagkain ni Chef Enn.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

View Comments

Recent Posts

Introducing The Newest VIYLine Cosmetics’ Lip Slay Shades For Everyday Wear

Ever since its release, VIYLine Cosmetics Lip Slay has received the love it deserves from…

3 days ago

Malupiton and Long-Time Girlfriend Are Now Engaged

Sa likod ng tagumpay na nakamit ng social media star na si Malupiton ay ang…

3 days ago

Nobody’s Tough Like Mama: Tough Mama, The Appliance Brand Built to Last

Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…

4 days ago

Aki Angulo-Macacua Shares Journey to Achieving Stunning Wedding Dress

Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…

4 days ago

Here’s Why You Should Partner With Grentek Solutions For Your Next Big Events

In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…

4 days ago

Nourish Your Little Ones With ‘Luxe Kids’ by Luxe Beauty and Wellness

Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…

5 days ago

This website uses cookies.