Dudut’s Kitchen Presents Beef Salpicao and Creamy Beef Mushroom ala Junnie Boy

Paglipat sa kanilang bagong tahanan, bininyagan agad ni Jaime De Guzman, a.k.a Dudut Lang, ang kusina sa Congpound. 

Tampok ngayon sa Dudut’s Kitchen ang masarap na recipe ng Beef Salpicao at Creamy Beef Mushroom. Pero hindi lang basta-bastang cooking show ang hatid nito dahil bida sa bagong episode ng Dudut’s Kitchen ang kanyang special guest na si Junnie Boy. 

Chef Junnie Boy

Dahil bagong lipat sa Congpound ang Team Payaman, naisipan ni Dudut Lang na ipagluto ng masarap na putahe ang kanyang mga kasama. 

Ayon nga sa tagline ng kanyang cooking show: “I love cooking and I love my friends. Put them together, I love cooking for my friends.”

Dahil hindi sanay sa pagluluto ang kanyang special guest, siniguro ni Dudut na aalalayan niya si Junnie Boy.

“Dito sa Dudut’s Kitchen, ito yung kusinang walang manghuhusga sayo,” ani Dudut. 

Inumpisahan ng dalawa ang pagluluto ng Beef Salpicao at Creamy Beef Mushroom sa pagbabad ng mga karne. 

Para sa Beef Salpicao, binabad nila ang karne sa oyster sauce, worcestershire sauce, at saka dinagdagan ng bawang. 

Pinaghalong bawang, oyster sauce, soy sauce, worcestershire sauce, at calamansi naman para sa Creamy Beef Mushroom recipe. 

Kasunod na pinrito ni Junnie Boy ang mga bawang na gagamitin nilang toppings ng Beef Salpicao. Habang nagluluto, nagbigay pa ng nakakatuwang trivia si Junnie tungkol sa bawang.

“Alam niyo ba guys na ang bawang kaya siya tinawag na bawang kasi ang nagtanim nito, ang unang-unang nakakita ng buto nito ay si Ang,” biro ni Junnie. 

“Tapos kung paano niya tinatanim ‘to para siyang siyang nagba-bow. Kaya siya napangalanang bow-ang, bawang,” dagdag pa nito.

Nagbalik tanaw din ang mga ito sa dati nilang tahanan sa Payamansion 2 at nagbigay ng mensahe sa nasabing bahay. 

“Salamat kay Payamansion 2 kasi doon ako nakabuo ng second baby. Ibig sabihin malaking bagay ang blessing ng bahay na yon kasi nagbibigay siya ng buhay,” ani Junnie Boy. 

Taste Test

Agad namang pinatikim nina Dudut Lang at Junnie Boy ang mga nilutong putahe sa kanilang mga kasama sa bahay. Unang humusga ay ang misis ni Junnie na si Vien Iligan-Velasquez. 

Ang hatol ni Vien: “Guys ang sarap ng luto ni Dudut, sobra!”

Dinala rin nila ang Beef Salpicao at Creamy Beef Mushroom sa tahanan nina Cong at Viy kung saan naghihintay ang iba pang bisita gaya nina Papa Shoutout at Mama Revlon. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.