New Love Team Alert: Steve Wijayawickrama Reveals Blooming Romance in Payamansion

Isang never-seen-before vlog ang hatid ni Team Payaman member Steve Wijayawickrama kasama ang isang rebelasyon para sa kanyang mga manonood.

Ibinuking ni Steve ang namumuong kilig sa pagitan nina Payamansion housemates Steph Anlacan, a.k.a Mau, at Rhomil Francisco – ang video editor ni Boss Keng.

The Ultimate “Bugaw”

Sa bagong vlog ni Steve, ibinahagi nito ang pangyayari na naganap pa noong Hunyo ng nakaraang taon. Naglalaman ito ng namumuong love story nina Steph Anlacan at Rhomil Francisco, a.k.a RhoMau.

Nagsimula ang lahat nang mag-post si Mau sa kanyang Facebook account ng litrato kasama si Boss Keng na binansagan niyang “bugaw.”

“Boss kong bugaw, hehe Christian Gaspar. Hi, Rhomil Jay Francisco, beybe beybe you’re my sun and moon! PS: Post ko raw!” ani Steph.

Sa nasabing Facebook post ay agad na nag-comment ang in-house editor ni Boss Keng kalakip ang kanyang selfie.

Maliban sa kanilang interaksyon sa harap ng publiko, di umano’y nagiging chatmates na rin ang dalawa, na siyang isiniwalat ni Steve sa kanyang vlog.

Kakaiba ang panimula ng kanilang love story dahil palitan ng mga kanta ang kanilang naging bonding upang ipahatid ang kanilang mensahe sa isa’t-isa.

Steph: “Gusto Kita by: Gino Padilla”

Rhomil: “I’m Yours by: Jason Mraz”

Steph: “Put Your Head On My Shoulder by: Paul Anka”

Rhomil: “Sun and Moon by: Anees”

Agad na inulan ng pang-aasar si Rhomil mula sa kanyang mga kaibigan sa loob ng Payamansion, kaya naman naging bansag na sa kanila ang kantang “Sun and Moon.”

“Ang lalandi n’yo ah!” pabirong saway ni Junnie Boy

Nagbahagi rin ang kaibigan ni Rhomil na si Carl Santos ng isang swabe move na dapat nitong ipakita kay Steph.

“Ilagay mo yung Google Maps ng Wagyuniku [para magmukhang] date night!” abiso nito.

Walang pag-aatubili na ipinadala ni Rhomil ang lokasyon ng Wagyuniku by Pat and Keng mula sa Google Maps upang pasimpleng ayain kumain si Steph.

“Ok, see you there! When? Tom, 9pm?” sagot naman ni Steph.

RhoMau is Real!

Sa nasabi ring vlog ay ipinakita ang real-life interaction ng RhoMau sa loob ng Payamansion. Walang katapusang kilig ang ipinakita ng bagong tambalan sa harap ng camera.

Pinangatawanan pa rin ni Rhomil ang kanyang pagiging torpe kung kaya naman buong suporta ang kanyang mga kaibigan sa pagtutulak kay Steph.

“Huy, kinikilig [si Steph]!” pang-aasar ni Steve.

Napakwento rin si Steph sa kanyang mga kasamahan sa Payamansion kung paano nga ba nagsimula ang kanilang ugnayan ni Rhomil.

“Si Boss Keng talaga yung nag-chat [gamit account ko]. Pero, s’ya [Boss Keng] yung nagchachat, kinikilig pa rin ako! Pero yung mga sinesend ni Boss Keng, ako rin yung nag-iisip,” kwento ni Steph.

Dagdag pa nito: “Akala ko talaga, mag-aaya na siya ng date sa Wagyuniku!” 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

5 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

5 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

1 week ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

1 week ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

1 week ago

This website uses cookies.