Muling nagbabalik sa dance floor ang Team Payaman Dancing Trio na sina Steph Anlacan, Clouie Dims, at Kevin Hufana, matapos ang kanilang biggest break sa Eat Bulaga noong nakaraang taon.
Ngayong 2023 ay muling nagsama-sama ang tinaguriang “Team Payaman Dancing Kweens” para sa kanilang first guesting sa Lyceum of the Philippines University (LPU) Expodition 2023 na ginanap sa kanilang Manila Campus nitong January 12.
Unang sumabak sa dance floor sina Steph, Clouie, at Kevin nang sumali ang mga ito sa Dancing Kween segment ng longest running noon-time show na Eat Bulaga, Hunyo noong nakaraang taon.
Nakamit nila ang tagumpay sa sayawan matapos ang puspusang last minute practice at sa tulong ng kanilang on-stage manager na si Tita Krissy Achino, a.k.a Chino Liu.
Ilang buwan matapos magpahinga sa paghataw ay nagsama-sama muli ang dancing divas ng Payamansion para sa kanilang paparating na on-stage performance.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Steph Anlacan, a.k.a Mauhusay, ang kanilang muling pagsasama upang mag-ensayo para sa kanilang performance para sa LPU Expodition 2023.
“Muling nakumpleto! See you on Thursday, Lyceans!! Ctto: keboy” ani Steph.
Ang Expodition 2023 ng LPU Manila Campus ay naglalayong bigyang pansin at pagkilala ang mga negosyong nagtatampok ng Asian, Western, at Eastern cuisines. Bukod dito, tampok din ang ilang mga pasabog mula sa kanilang mga guest performers.
Game na game na pinainit ng Team Payaman ang dance floor sa nasabing unibersidad at nagsilbing guest performers para sa nasabing event.
“Prepare your energy as #TeamPayaman WildCats featuring Clouie Dims, Kevin Hufana, and Steph Anlacan will be joining and rocking our food adventure!” ani ng LPU Manila sa isang Facebook post.
Hindi naman magkamayaw ang kanilang mga taga-suporta ng umindak na ang tatlo sa dance floor.
Bukod sa mainit na pagtanggap, kaliwa’t-kanan din ang selfie ng mga Lyceans sa kanilang mga idolo matapos ang kanilang show-stopping performance.
Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…
Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…
In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…
Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…
Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
This website uses cookies.