Payaman Insider Boys Reflect on Their New Year’s Resolution in New Spotify Podcast Episode

Sinalubong ng Payaman Insider boys ang Bagong Taon sa isang masaya at makabuluhang talakayan sa episode na New Year’s RESBAK!” 

“Ang New Year, we look at it as a symbol of new beginning, so there’s no better way to start your year sa pagse-set ng mga bagay na makakapag-pabuti sayo,” ani Aaron Macacua, a.k.a Burong.

Sa bagong Spotify podcast episode ng Payaman Insider, pinagnilayan nina Junnie Boy, Boss Keng, Burong, at guest co-host Dudut Lang ang kanilang New Year’s resolution para sa taong 2023.

Para sa Team Payaman boys, ang bagong taon ay isang pagkakataon upang magkaroon ng malinaw na layunin at suriin ang  kung saan sila nagkulang sa nagdaang taon. 

New Year, New Me

“New Year, New Me.” Iyan ang kadalasang linya na naririnig natin tuwing sumasapit ang Bagong Taon, hindi naman naiiba dito ang TP residents. Nang tanungin kung ano ang kanilang New Year’s resolutions, parehong makatotohanan at nakakaaliw ang kanilang mga sagot.

“Yung last year pa rin,” biro ni Junnie Boy.

Banat ni Daddy Junnie, hindi man natupad ang New Year’s resolution niya noong nakaraang taon na tumigil sa paco-computer, lalo na tuwing gabi hanggang madaling araw– magagamit niya naman ito ngayon dahil night shift siya sa pag-aalaga sa bunso nilang si  Baby Alona Viela Iligan Velasquez

Ayon naman kay Boss Keng, gusto niya sanang ma-limitahan ang pag-inom ng softdrinks; habang ibinahagi naman ni Dudut na nais niya kumayod pa sa trabaho at maging abala ngayong taon.

Para naman sa newly-engaged member ng Team Payaman, “Health is wealth,” kaya naman sinalubong nila ang taong 2023 ng fiancé na si Aki Angulo na baon ang pag-invest sa mga bagong karanasan. Binahagi rin ni Burong na gusto niya mag-travel kasama si Aki at gawin pa ang mga bagay na hindi pa nila nararanasan nang magkasama. 

Better Version of Yourself

Ayon sa Payaman Insider boys, bawat taon sinusubukan natin i-reset ang sari-sarili nating buhay, ngunit madalas nauudlot ang mga ito. Ayon kay Junnie, maaaring hindi nagiging matagumpay ang New Year’s resolutions sapagkat minsan nagiging overwhelming ang mga bagay-bagay.

“Aminin niyo o sa hindi, kalagitnaan ng taon nakakalimutan na natin yung New Year’s resolution natin kasi sobrang busy natin sa mga bagay na ginagawa natin, ‘di ba?” ani Junnie Boy. 

“Pero pagdating ng Bagong Taon kaya siya maganda, at the same time medyo healthy siya satin kasi nare-remind mo yung sarili mo, plus nagkakaroon ka ng time na makilala yung sarili mo,” dagdag pa nito. 

Para sa mga host, hindi man natin makamit ang mga goals na ito, magandang practice pa rin ang New Year’s resolutions sapagkat nagkakaroon tayo ng pagninilay sa ating mga sarili.

Dagdag pa ng Team Payaman, ang pagkakaroon ng goals ay magandang paraan upang mapagnilayan ang mga bagay na dapat hindi gawin o mga bagay na kailangan nating balikan dahil sa magandang maidudulot nito. 

Listen to the full episode below: 

viyline.net

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez, Jelai Andres, Rana Harake, and Sachzna Laparan Spread Laughter in New Vlog

Walang humpay na katatawanan ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez kasama ang grupo ng RaLaiNa sa…

1 day ago

Viyline Printing Services Introduces ‘Pick. Place. Press.’ as the Perfect Souvenir for Your Next Event

If you’re looking for functional and interactive souvenirs for your guests at your next event,…

1 day ago

Strong Mind Foundation Equips Caritas Manila with Spiritual Tools for Mental Resilience

Recognizing that those who serve others often carry the heaviest emotional burdens, the Strong Mind…

5 days ago

From Tampuhan to Travel Goals: Cong TV Surprises Viviys With Vietnam Date Trip

Matapos ang naging tampuhan ng mag-asawang sina Cong TV at Viy Cortez-Velasquez, agad itong napalitan…

6 days ago

Team Payaman Kids’ Fair 2026 Ticket Selling Coming Soon

Big family fun is set to arrive as the official ticket selling for TP Kids…

6 days ago

K-Merienda On A Budget: Viy Cortez-Velasquez Shares An Easy Way To Make Beef Samyang Roll

Kung ang hanap mo ay Korean-inspired merienda na swak sa budget at kayang gawin sa…

1 week ago

This website uses cookies.