Team Payaman’s Kha Kha Villes and Bok Stars in a Music Video

Nakilala ang BoKhaKha loveteam na binubuo nina Karen Joy Villes, a.k.a Kha Kha at Carlos Magnata, a.k.a Bok, ng matampok ang dalawa sa ilang vlogs ni Team Payaman founder Cong TV.

Kamakailan lang ay bumida ang kanilang tambalan sa isang music video ng OPM duo na Ode to Mars sa bago nitong kanta na pinamagatang “O’ Sinta.”

BoKhaKha History

Nakilala ang BoKhaKha loveteam ng maisipan na isali ni Cong TV si Bok sa kanilang kulitan mula pa sa Payamansion 1.

Si Cong din ang naging tulay upang matunghayan ng mga manonood ang chemistry nina Bok at Kha. Kaya naman matapos ang ilang cameo sa vlog ay naging top trending ang dalawang ito.

Sa BOKHAKHA vlog ni Cong TV noong 2020, naging usap-usapan at laman ng social media ang dalawang Team Payaman members dala ng kanilang natural na kilig factor sa madla.

Bagamat busy na sa kani-kanilang mga karera, hindi na gaano nasasama sa mga vlogs ng Team Payaman ang BoKhaKha tandem. Ngunit kamakailan lang ay ginulat ng dalawa ang madla sa kanilang munting surpresa para sa mga manonood.

First Music Video Appearance

Sa kauna-unahang pagkakataon, bumida ang Team Payaman members na sina Kha Kha at Bok sa isang music video ng OPM duo na Ode to Mars.

Ang Ode to Mars ay binubuo ng mga #TatakPinoy na musikero na sina Odilon Reyes at Martin Patrick Tan, na pumasok sa industriya sa ilalim ng major recordna Universal Record Philippines. 

Bilang simbolo ng kanilang pagpasok sa industriya, una nang inilabas ng tambalang Odilon at Martin ang kanilang debut single na pinamagatang “O’  Sinta.”

Ang bagong kanta ay tila modernong istilo ng harana, kung saan ang mga liriko ay tiyak na pupukaw sa puso’t isipan ng kanilang mga tagapakinig.

Gaya ng nabanggit, ang O’ Sinta ay tumutukoy sa modernong paraan ng panghaharana kung kaya naman ang konsepto ng kanilang music video ay alinsunod sa nasabing tema.

Simula pa lang ng music video ay bumida na ang BoKhaKha loveteam na lumarawan sa Filipino style ng ligawan at panghaharana.

Kakaiba ngunit nakakakilig ang naging atake ng music video na pinagbidahan ng dalawa, kitang kita ang kanilang chemistry na una umusbong sa Payamansion.

Ang nasabing music video ay mapapanood sa opisyal na YouTube channel ng Universal Records Philippines

Netizens’ Reactions

Labis namang ikinatuwa ng netizens ang pagbabalik tambalan nina Bok at Kha Kha sa music video ng O Sinta. 

Ma. Cassandra Valdeavilla: “Ang ganda!! ang galing po ng concept ng music video. galing po ng director!”

Mc Jan Cadapan: “Add to playlist sa spotify. Ganda ng song. #BoKhakha lang sapat na!”

Alyssa Valderama: “Ang gandaaa! Bagay talaga Bokhakha! #TeamPlatypus”

Joshua Paul Uvero: “Umi-improve acting skills ni Bok! Nice one BoKhaKha”

Zombee Sama: “The loveteam that we never had…. #boKHAkha hehehe”

Watch the music video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Junnie Boy Shares Hilarious ‘Hiding Spots’ for Home Security in Latest Vlog

Naghatid ng aliw sa mga manonood ang Team Payaman dad na si Junnie Boy matapos…

1 day ago

Boss Keng Introduces Team Boss Madam’s New Talented Editor

Isang talentadong video editor mula sa Team Boss Madam ang ipinakilala ni Boss Keng sa…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Memorable ‘Disney On Ice’ Experience with Family

Kamakailan lang, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang isang family bonding…

2 days ago

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

3 days ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

4 days ago

This website uses cookies.