WATCH: Cong TV Rare ‘Fanboy Moment’ After Getting a Shoutout from Silent Sanctuary Band

Sa isang pambihirang pagkakataon ay nasaksihan ng Team Payaman fans ang pagiging “fanboy” ni Cong TV. Ito ay matapos makatanggap ng “shoutout” mula sa isa sa kanyang iniidolong OPM band ang batikang YouTube content creator. 

Sa bagong vlog ni “Libre” band frontman Kevin Hermosada, ibinahagi nito kung paano siya nagsilbing tulay para matupad ang shoutout na talaga namang nagpakilig kay Lincoln Velasquez. 

Meet your idols

Noong nagdaang “Bluebay Walk Music Fest,” nakasama ng banda ni Kevin Hermosada ang iba’t-ibang sikat na OPM sa bansa, kabilang na ang idolo nila na Silent Sanctuary. 

Bago pa man maganap ang nasabing music fest at nakiusap ang Team Payaman headmaster kay Kevin na humingi ng shoutout sa Silent Sanctuary, partikular na sa bokalista nitong si Sarkie Sarangay. 

Maging si Kevin ay hindi napigilan kiligin ng makita, makausap at maka-bonding pa ang mga idolo. 

“Nakakanginig eh pag nakita mo yung idols mo,” ani Kevin. 



Screenshots from Kevin Hermosada’s vlog

A True Fan

Bago pa man maging bokalista ng sarili nyang banda na COLN, isa nang ganap na fan ng OPM music at OPM bands si Cong TV. 

Noong 2018 makikita sa mga vlogs ng 31-anyos na YouTube content creator ang hilig nito sa rock music. Isa sa mga unang videos na mapapanood natin sa channel ni Cong ay ang music video parody nito ng kantang “Rebound” ng Silent Sanctuary. 

Kaya naman hindi nakapagtataka na hindi pinalampas ni Cong ang pagkakataon na makapagpa-shoutout sa kanyang idolo. 

Mission Accomplished

Samantala, matapos makipag bonding sa miyembro ng Silent Sanctuary, malugod namang pinaunlakan ng mga ito ang hiling na shoutout ni Cong. 

“Happy New Year, sir! Sana nandito ka Cong, minsan punta ka sa gig namin tapos inom tayo. Tyaka congrats sa baby niyo, sa asawa mo, hi din,” bati ni Sarkie.


Mission accomplished si Kevin sa hiling ni Cong na halos walang paglagyan ang ngiti ng mapanood ang nasabing video. 

Halos napahiyaw at napahiga pa ito sa sobrang saya, lalo na ng bigkasin ng banda ang catchphrase na nagpasikat kay Cong. 

“Sobrang saya pre,” ani Cong TV.

Watch the full vlog below:

viyline.net

Recent Posts

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

2 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

2 days ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

3 days ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

4 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

4 days ago

This website uses cookies.