Viy Cortez Surprises Team Payaman with Funky ‘Patis Prank’

Kakaibang klase ng pag-promote ng kanyang produkto ang hatid ngayon ni Viy Cortez! Bago pa man simulan ang New Year Freeviys Sale ng VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare, humingi ito ng tulong sa kapwa Team Payaman members na maipakita ang ganda ng kanyang mga produkto. 

Pero syempre, hindi pinalampas ni Viviys ang pagkakataon upang pagkatuwaan ang kanyang mga kasamahan sa Payamansion. 

01.10 Sale Promotion ala Viviys

Sa bagong vlog ni Viy Cortez, muling ibinida nito ang mga bagong produkto ng VIYLine Cosmetics na kasalukuyang bagsak presyo at mabibili sa Shopee, Lazada, at TikTok Shop.

Nakaisip ng “mabahong twist” ang 26-anyos na vlogger kung saan pinaluguan nito ng patis ang kanyang mga kamay at braso upang makita ang magiging reaksyon ng Team Payaman boys sa oras na maamoy nila ito. 

Patis Prank

Unang nabiktima ni Viy ang kaibigan at kapwa vlogger na si Chino Liu, a.k.a Tita Krissy Achino. Nagkunwari si Viviys na gagamitin ang VIYLine Cosmetics’ Aqua Cream Mini para maamoy ni Chino ang alingasaw ng patis.

“Alam mo, Viy… Ayan na naman tayo ah,” suspetsa ni Chino.

Agad din naman nitong nahuli ang patibong ni Viviys ng maamoy ang nanunuot na amoy ng patis sa mga daliri nito habang nilalagay ang Aqua Cream sa kanyang pisngi.

“Ba’t ganyan yung amoy ng ano [kamay] mo? Tinitiis ko lang pero ang baho nung kamay mo!” saad ni Chino.

Syempre, hindi mawawala sa listahan ng kanyang mga target ang fiance nitong si Cong TV. Ilang segundo lang matapos lagyan ng Hair Styling Stick ay nalanghap na ito ng amoy mula sa braso ni Viviys.

“Ano ba yan? Ang baho! Ano ba yang nasa kamay mo?” tanong ni Cong na muntikan pang maduwal.

Sunod na nabiktima ni Viviys ang nakababatang kapatid ni Cong na si Junnie Boy na game na game ding nakiisa sa patibong ni Viy.

Gamit ang Black Blush, nilagyan ni Viy ng produkto ang pisngi ni Junnie ngunit hindi nagtagal ay naamoy na agad nito ang masangsang na amoy ng braso ni Viy.

“Ang baho! Yung kamay mo mabaho!” reaksyon ni Junnie.

Depensa ni Viy: “Grabe ka, VIYLine ‘yan!”

Sunod na sumalang si Boss Keng sa 01.10 sale promotion ala Viviys gamit ang Liquid Contour Wand

“Guys, saktong sakto medyo nakadapa yung ano [ilong] ni Boss Keng. Nakakapagpatayo po ito ng mga nakadapang ilong!” biro ni Viy.

Nang malagyan na si Boss Keng ng produkto, ilang segundo pa ang lumipas bago ito mag-react sa kanyang naamoy.

“Si Viviys naglalagay, nakatawa. Parang laging may kalokohang ginagawa!” suspetya ni Boss Keng.

“Ba’t parang ang baho ng kamay mo? Amoy sukang patis,” ani Boss Keng.

Huling nabiktima ni Viy si Burong gamit ang Wild 2-in-1 Highlighter and Eyeshadow ng VIYLine Cosmetics. 

Walang pag-aatubiling nilagyan ni Viviys ng produkto si Burong upang simulan na ang kanyang prank.

“Parang ang baho ng kamay mo?” nakakatawang reaksyon ni Burong.

Dagdag pa nito: “Pero kanina parang ayokong mag-react pero naisip ko, ay kaibigan ko naman ‘to baka sabihin ko dapat yung truth. Oo nga sis, parang ang baho ng kamay mo!” 

“Patis ‘yon? Akala ko, pwet ni Cocon. Naamoy ko na kasi pwet n’ya eh!” biro pa nito.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

4 hours ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

5 hours ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

7 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

7 hours ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

3 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

4 days ago

This website uses cookies.