Steve Wijayawickrama Challenges Self to a 12-Hour Iloilo Adventure

Isang umaatikabong adventure na naman ang hatid ni Team Payaman content creator Steve Wijayawickrama matapos nitong libutin ang Iloilo City.

But wait, hindi tipikal na travel vlog ang hatid ni Steve. Ito ay matapos hamunin ang kanyang sarili na puntahan ang bawat bayan sa nasabing siyudad sa loob lang ng labing dalawang oras. 

Exploring Iloilo in 12 hours?

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Steve ang kanyang pagbisita sa tinaguriang Heart of the Philippines, ang Iloilo City.

Kakaiba ang atakeng hatid ng nasabing ng Filipino-Sri Lankan vlogger dahil sinubukan lang naman nitong libutin ang Iloilo sa loob ng 12 oras.

“I’m standing at the left edge of Iloilo here at San Joaquin and I’m going to be crossing the entire map in a span of 12 hours. The journey will be a total of 204 kilometers,” panimula ni Steve.

Bukod sa oras na kanyang dapat pagkasyahin, isa rin sa mga challenge na kinaharap ni Steve ay ang pagtitipid ng kanyang budget na isang libong piso.

Buong tapang na hinarap ni Steve ang sariling challenge kung kaya naman agad itong naglibot ang humingi ng suporta mula sa kanyang mga nakakasalamuha. 

“[Do] you think I can finish it?” tanong ni Steve sa isang driver.

Sagot naman nito: “You can go there if you start at 3AM. It’s too late, you can’t finish it one day,”

Hindi pinanghinaan ng loob ang editor-turned-vlogger kaya naman nag patuloy pa rin ito sa kanyang Iloilo adventure.

Isa rin sa mga pakana ni Steve ay ang pag-iiwan ng marka ng Team Payaman sa bawat bayan ng Iloilo 

“I need you guys and the locals to know that I was here. So that we’ll be leaving markings in each and every city [we’ll reach],” paliwanag ni Steve. 

Una nang tinatakan ni Steve ang Miagao Church, ang unang makasaysayang lugar sa Iloilo na kanyang napuntahan.

Sunod na pinuntahan ng ni Steve ang Gimbal at hindi pinalampas ang pagkakataon na mag-iwan ng palatandaan ng kanyang pagbisita. Diretso Tigbauan naman si Steve matapos itong makipagkita sa isang Team Payaman fan. 

Hindi pa man nakakatagal ay narating na rin ni Steve ang Oton at agad nagtungo sa Iloilo City sabay dikit ng Team Payaman sticker sa isang pader tapat ng SM City Iloilo.

Sunod naman sa listahan ni Steve ay ang Leganes na agad rin nitong nilisan matapos itong mag-iwan ng kanyang marka. 

Pagkatapos ay nagtungo rin si Steve sa iba pang lugar sa Iloilo gaya ng Zaraga, Pototan, Dingle, at Passi na nagsisilbing center point ng kanyang ruta.

Sa kalagitnaan ng pagbabaybay ay nakaramdam si Steve ng kaunting pagkabalisa: “I really don’t know what will happen!” aniya.

Nang marating na ni Steve ang Passi, nagpahinga muna ito at kumain bago sumabak muli sa matinding paglilibot.

Agad nitong binaybay ang San Rafael, na sinundan ng pagpunta sa Lemery. Ngunit bago pa man makarating sa kanyang destinasyon ay pinanghinaan na ito ng loob dala ng malakas na ulan at matagal na paghihintay. Matapos ang ilang oras ay narating na rin ni Steve ang Carles.

The Realizations

Labis ang tuwa ni Steve nang marating na nito ang Carles, Iloilo na kung saan nagtapos ang kanyang challenge.

“The moment na nakita ko yung signage na nagsasabing ‘Welcome to Carles,’ napatulala na lang ako tapos ‘di ko namalayan, lumuluha na pala mata ko,” kwento ni Steve.

Bukod sa masayang ala-ala ay maraming ding aral ang natutunan si Steve mula sa kanyang Iloilo adventure.

“Going into this video, sobrang daming uncertainties sa buhay ko, sa career ko, hindi ko alam actually kung ano na ang mangyayari. Pero this journey taught me that life is about accepting these uncertainties.” 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

How to Prevent Ascites? Doc Alvin Explains Ivana Alawi’s Medical Condition

Sa kanyang bagong YouTube vlog, ipinaliwanag ng vlogger at TP Friends na si Dr. Alvin…

2 days ago

Iligan-Velasquez Family Kicks Off Holiday Season by Decluttering and Decorating at Home

Bago sumapit ang Disyembre, nakasanayan na ng maraming pamilya ang maglinis, mag-ayos, at maghanda ng…

3 days ago

Cong, Viy, Pat, and Keng Get Real About the Reality of Parenthood

Isa sa mga gumulat sa mga taga-suporta ng Team Payaman ay ang halos sabay na…

3 days ago

Fall in Love With the New and Improved Viyline Cosmetics Aqua Cream the Second Time Around

Love is indeed sweeter the second time around. Vlogger and VIYLine Cosmetics girl boss, Viy…

5 days ago

Team Payaman’s Junnie-Vien and Pat-Keng Share a Fun-filled Double-date in Taiwan

Puno ng tawanan at kulitan ang bagong vlog ni Mommy Vien Iligan-Velasquez, kung saan kasama…

5 days ago

Team Payaman’s Burong Makes Acting Debut in Pencilbox Studios

Isa sa mga hinahangaang miyembro ng Team Payaman si Aaron Macacua, na mas kilala bilang…

6 days ago

This website uses cookies.