Sa kanilang bakasyon sa Malaysia, isa sa mga nakasalamuha ni Cong TV ay ang tourist van driver na si Matthew.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng 31-anyos na vlogger ang kung paano niya hinikayat na maging content creator ang naturang tourist driver.
Umani ng mga positibong komento ang paglabas ni Matthew sa vlog ni Cong TV. Ito na nga kaya ang simula ng paglawak ng Team Payaman sa ibang bansa?
Isang hindi inaasahang collaboration at surprise ang hatid ni Cong TV sa kanyang Malaysian tourist driver-turned-friend na si Matthew.
Sa kanyang kauna-unahang vlog, ibinahagi ni Matthew ang kanyang sariling POV matapos maihabilin sa kanya ni Cong TV ang kanyang final task.
Sinimulan ang vlog sa paglilibot ni Matthew sa Malaysia kasama sina Cong TV at ilan sa mga video editors na sina Carlo Santos at Ephraim Abarca.
Sa nasabing vlog ay nagbigay ang 31-anyos na vlogger ng ilang mga payo para kay Matthew na tiyak na magagamit nito sa pagsisimula ng kanyang karera bilang content creator.
Inumpisahan ng dalawa ang vlogging career ni Matthew sa pag-iisip ng ipapangalan sa YouTube channel ni Matthew.
“You said this is a tourist van, use TV! You like that? Very simple… Matthew TV!”
Matapos pag-isipan ang kanyang magiging channel name, agad na pinag-isipan ng dalawa ang magiging intro ni Matthew sa kanyang mga vlogs.
“Hey, guys! It’s Matthew. I just caught my YouTube channel, Matthew TV!” panimula ng bagong Malaysian vlogger.
Sinimulan ni Matthew ang content ng kanyang vlog sa pagbabahagi ng kanyang routine bilang isang tourist driver.
Kanyang dinadala ang mga manonood sa iba’t-iban lugar na kanyang pinupuntahan kasama ang mga turista galing sa iba’t-ibang mga bansa.
Gaya ng nabanggit, ang unang vlog ni Matthew TV ay alinsunod sa huling YouTube video ni Cong TV.
Ayon kay Cong, hatid n’ya ay isang bagong camera na maaaring gamitin ni Matthew para sa pagsisimula ng kanyang vlog, ngunit sa kasamaang palad ay kanyang naiwan ito sa isang tindahan sa Malaysia.
Dahil dito, binigyan niya ng huling misyon si Matthew na hanapin ang nasabing tindahan upang makuha ang surpresang regalo.
“We went to the mall, and we left something there. There’s something that’s supposedly waiting for you because we’re supposed to give it to you,” paliwanag ni Cong TV.
Hindi naman makapaniwala si Matthew at naisip na baka pinagtitripan lang ito ng kilalang Filipino vlogger.
“No, I promise you. Now you go, and this is your first vlog Matthew,” dagdag pa ni Cong.
Agad namang ipinahayag ni Matthew ang kanyang mensahe para sa kanyang kaibigang vlogger.
“Hey, Cong! Thanks bro for visiting Malaysia. It’s my pleasure man for bringing you guys around and I was very happy to always bring food and I know you love Thai food. I hope one day if you come back to Malaysia, I would definitely be a chef and I’ll bring a home cooked food. Safe flight and hope to hear from you soon!” saad ni Matthew.
Nang marating na ni Matthew ang Leather Avenue kung saan naiwan ni Cong TV ang kanyang regalo, dismayado itong nang sabihin ng sales lady na may una nang nakakuha nito.
Kinabukasan, agad namang bumalik si Matthew at nagbabakasakali na makuha ang naiwang surpresa ni Cong TV para sa kanya.
Sa huli ay napagtagumpayan ni Matthew ang kanyang “final task” at agad nagpasalamat kay Cong sa kanyang natanggap na sorpresa.
“I’ve got your gift! Thanks, man! Received it safe, this Christmas present, I really love it so I’m gonna shoot more. This is my first vlog and I’m gonna do it as well!” ani Matthew.
100K Subscribers
Matapos isapubliko ang kanyang YouTube channel, dinagsa na ng viewers at subscribers si Matthew TV.
Sa isang TikTok video, isiniwalat ni Team Payaman member Steve Wijayawickrama ang kauna-unahang milestone para sa vlogging career ni Matthew TV.
Umani lang naman ito ng 100,000 subscribers sa loob ng limang oras matapos mailabas nina Cong at Matthew TV ang kanilang vlog sa Malaysia.
“Matthew’s TV hits 100k subscribers in just 5 hours. We are so happy for you my friend, clearly it shows that you are kind-hearted and can’t wait to see you dominate the Youtube platform in Malaysia. More paawer my friend #MatthewsTV #TeamPayamanInternational” mensahe ni Steve sa isang Facebook post.
Watch the full vlog below:
Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…
Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…
In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…
Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…
Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
This website uses cookies.