Boss Keng, Pat Velasquez-Gaspar Surprise Employees with Christmas iPhone Giveaway

Umarangkada na ang masayang Christmas Party ang mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar para sa mga empleyado sa kanilang mga negosyo. 

Nagsanib pwersa ang mga staff ng Wagyuniku by Pat and Keng at Glam Central Salon and Spa by Pat and Keng at buong galak na nakilahok sa kanilang Christmas Party ngayong taon. 

Boss Madam Christmas Party

Kamakailan lang ay game na game na nakilahok ang business owners na sina Boss Keng at asawa nitong si Pat Velasquez-Gaspar sa pa-Christmas party para sa kanilang mga empleyado.

Sa bagong vlog ni Boss Keng, ibinahagi nito ang ilan sa mga masasayang kaganapan sa unang Christmas Party kasama ang mga staff. 

Pajama party ang tema ng nasabing Christmas Party kung saan ang mga kalahok at mga bisita ay kailangan magsuot ng ternong pajama. 

Sinimulan nina Boss Keng ang kasiyahan sa pagkakaroon ng ‘Introduce Yourself’ segment with a twist upang lalo nilang makilala ang mga luma at bago nitong mga empleyado.

Matapos ang malikhain at nakakatuwang pagpapakilala, nagsimula na ang mga palaro, na agad namang sinundan ng masarap na salu-salo.

Game na game ding nakilahok ang Team Wagyuniku at Glam Central sa mga palaro at kanya-kanyang group performance.

At syempre, hindi mawawala ang munting pa-raffle na pinangunahan ng soon-to-mommy na si Pat Velasquez-Gaspar.

Una na sa kanyang mga nabunot ay nabigyan ng iba’t-ibang uri ng appliances, cash gift, at marami pang iba. 

iPhone 11 Giveaway

Bukod sa appliances, mayroon pang dalang regalo ang mag-asawang Boss Keng at Pat.

Sa tulong  Mobile Cart PH, naisakatuparan ang pa-iPhone Giveaway nina Boss Keng para sa kanilang mga empleyado.

Hindi lang isa, kung hindi dalawang iPhone ang naghihintay sa maswerteng mabubunot ng mag-asawa sa kanilang Christmas Party Raffle.

Hiyawan ang bumungad sa mag-asawa dala ng pagka-galak ng mga empleyado na mapanalunan ang isa sa mga grand prize.

Matapos mabunot, ipinahatid naman ng mga maswerteng nanalo ang kanilang pasasalamat kina Boss Keng, Pat, at  Mobile Cart PH.

“Maraming salamat, mobile cart! iPhone 11!” ani Alberto.

Hindi pa natatapos ang pa-surpresa dahil hatid rin ni Boss Keng ang kanyang Christmas gift sa asawa nitong si Pat Velasquez-Gaspar.

“At eto ang aking regalo sa aking mahal na asawa… [iPhone 14]” saad ni Boss Keng.

Sagot naman ni Pat, “Thank you, love! Thank you, Mobile Cart!” 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.