Cong TV Reveals the Real Meaning Behind his Famous Screen Name

Matapos ang higit isang dekada sa industriya ng vlogging, isiniwalat ng batikang YouTube content creator na si Cong TV ang kwento sa likod ng kanyang screen name. 

Ang pangalang Cong TV ay naging pamilyar na sa mga Pilipino lalo na noong sumikat ang panonood ng vlogs or video blogs sa bansa. Isa si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, sa mga naunang content creators na sumikat sa larangan ng vlogging sa bansa. 

Pero lingid sa kaalaman ng lahat, hindi pala “television” ang ibig sabihin ng TV sa kanyang on screen name na Cong TV. 

Cong TV meaning reveal

Sa kanyang bagong vlog, kaswal na isiniwalat ni Cong TV ang totoong kwento sa likod ng alias na sumikat na sa buong bansa. 

Ayon sa 31-anyos na vlogger, hindi “television” ang ibig sabihin ng TV sa kanyang pangalan, kundi “The Vlogger.”

“My (screen) name is Cong TV, and in the Philippines they thought the ‘TV’ was ‘television.’ But the real meaning of Cong TV is Cong TV – The Vlogger,” paliwanag nito. 

The final task

Sa nasabi ring vlog, ibinahagi ni Cong TV kung paano nya tinapos ang isang misyon na gawing YouTube content creator ang nagsilbing tour guide at driver nilang si Matthew. 

Bilang pasasalamat kay Matthew ay naisipan nyang bilhan ito ng bagong camera at hikayatin na maging isang vlogger. 

Ngunit sa kasamaang palad, naiwala ni Cong ang bagong camera sa kalagitnaan ng kanilang pamamasyal. 

Pero imbes na panghinaan ng loob o di kaya ay hanapin agad ang bagong camera, hinamon ni Cong si Matthew na gawing misyon para sa kanyang unang vlog ang pagtunton sa nasabing regalo.

“I have a final task for you. On Friday we went to a mall and we left something there… something supposedly is my gift for you. I left it there, I was supposed to give it to you today,” paliwanag ni Cong. 

“Find this orange (bag) and this is your first vlog, Matthew!” dagdag pa nito. 

Matupad kaya ni Matthew ang kanyang final task? Subscribe na sa kanyang YouTube channel, Matthew’s TV

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

4 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

5 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

5 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

6 days ago

This website uses cookies.