An Inconvenient Love Star Chino Liu Shares Movie Behind the Scene Snippets

Matapos na tagumpay na maipalabas sa sinehan ang “An Inconvenient Love,” masayang ibinahagi ni Chino Liu ang ilang kaganapan sa likod ng camera habang ginagawa ang pelikula. 

Ang pelikulang pinagbibidahan ng Next Generation Love Team na DonBelle (Donny Pangilinan at Belle Mariano) ay ang pagbabalik sa takilya ng Star Cinema matapos ang higit dalawang taon sa pandemya. 

Pre-Shoot Preparations

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Chino, a.k.a Tita Krissy Achino, ang ilan sa kanyang mga preparasyon bago ang kanilang lock-in taping para sa nasabing pelikula.

“Isa sa mga pinagkakaabalahan ko ay itong special project na I’m working with. And today, nakapag-impake na ako, and I’m gonna go to the location first para mag-swab,” kwento ni Chino. 

Unang inayos ni Chino ang kanyang mini wardrobe at essentials na kakailanganin sa lock-in taping na gaganapin sa Angeles, Pampanga.

Matapos nito, dumeretso naman ang TP Wild Cat sa Red Planet sa Timog, Quezon City para sa kanyang swab test.

“Read na po akong magpa-sundot. Yes, napag-desisyunan ko na po. Handa na po ako! By sundot, magpapa-swab na ako,” biro pa nito.

Matapos matanggap ang negatibong resulta, diretso Pampanga na ang #TeamAIL para sa kanilang taping.

Nabanggit din ni Chino ang naging preparasyon para sa kanyang kakaibang role.

“I have to go at three [o’clock] para makausap ko si Direk Peterson kung paano n’ya gusto yung character ko maging. Syempre, malaking challenge s’ya for me dahil hindi ako Krissy dito. This is out of my comfort zone.”

AIL Behind the Scenes

Sa nasabing vlog, ibinahagi rin ng An Inconvenient Love star ang ilan sa kaniyang off-cam moments kasama ang mga kapwa aktor na sina Adrian Lindayag, Iana Bernandez, at Belle Mariano.

Binigyan din ni Chino ng virtual set tour ang kanyang manonood sa “24-ever Convenience Store” kung saan matatagpuan ang mga bidang sina Manny at Ayef.

“So eto yung counter ng 24ever!” panimula ni Tita Krissy.

Matapos ang virtual set tour ay diretso chikahan na ang AIL stars na sina Adrian, Iana, at Chino sa labas ng kanilang dressing room.

“Okay guys, nakakatuwa! Kasi kanina may binanggit ako na ‘uy kamukha ka ni  Angel Aquino. Hindi ko alam, totoo pala! Kasi, anak pala s’ya ni Angel Aquino!” ani Tita Krissy.

Pabirong sagot naman ni Iana: “Are you talking about me? Charet!”

Watch the full vlog  below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Junnie Boy Shares Hilarious ‘Hiding Spots’ for Home Security in Latest Vlog

Naghatid ng aliw sa mga manonood ang Team Payaman dad na si Junnie Boy matapos…

23 hours ago

Boss Keng Introduces Team Boss Madam’s New Talented Editor

Isang talentadong video editor mula sa Team Boss Madam ang ipinakilala ni Boss Keng sa…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Memorable ‘Disney On Ice’ Experience with Family

Kamakailan lang, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang isang family bonding…

2 days ago

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

3 days ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

4 days ago

This website uses cookies.