Viy Cortez Shares Singapore Trip POV with Cong TV and Baby Kidlat

Isa sa mga inaabangang ng solid Team Payaman fans ang out-of-the-country vlogs ng YouTube power couple na sina Cong TV at Viy Cortez.

Buong galak na ibinahagi ni Viviys ang naging karanasan sa kanilang unang beses na pag-bisita sa Singapore at Malaysia kasama ang panganay na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Singapore Trip

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng 26-anyos na vlogger at entrepreneur ang totoong dahilan ng paglipad patungong Singapore.

“Kaya talaga nangyari ‘tong Singapore (trip) na ‘to dahil may convention akong pupuntahan. Kailangan kong makahanap ng mga suppliers sa iba’t-ibang bansa. Naisip ko na isama na sina Kidlat kasi breastfeeding s’ya,” paliwanag ni  Viy Cortez.

Kasama rin sa nasabing trip ang mga nag-aalaga kay Kidlat na sina Ate Lyn, Ate Acar, mag-asawang Val at Jo Velasquez, Venice Velasquez, at Team Payaman videographer and editors Carlo Santos and Ephraim Abarca. 

Matapos ang apat na oras na byahe at pamamasyal sa sikat na Changi Airport, dumiretso ang grupo sa kanilang hotel sa Marina Bay Sands.

The Real Agenda

Gaya ng nabanggit, pangunahing pakay ng pagpunta ni Viy Cortez sa Singapore ay ang CosmoProf, isang skincare and makeup convention na tiyak na makakatulong sa pagpapalawak ng kanyang negosyo.

Game na game itong sinamahan ng kanyang fiance sa paglilibot sa mga booths sa loob ng nasabing convention.

Kaliwa’t-kanan ang mga brands na nilapitan ng hands on VIYLine CEO upang magtanong-tanong ng mga impormasyong magagamit para sa kanyang sariling makeup at skincare line.

Ngunit sa oras na kailanganin siya ni Kidlat, walang pag-aatubili na isinasantabi ni Mommy Viy ang kanyang work agendas para i-breastfeed si Baby Kidlat.

“So ganito magiging [set up] namin sa convention, papasok ako, tapos tatawagan ako kapag umiiyak na, papa-dede ako, tapos papasok ulit ako. Ganon mag-multitask ang isang nanay, grabe!” ani Viviys.

Matapos ang kanyang business agenda, diretso shopping naman si Viviys kasama ang pamilya Velasquez.

At syempre, hindi rin pinalampas ni Viviys na ipag-shopping ang kanyang mga editors, at mga nag-aalaga kay Baby Kidlat.

Hindi makukumpleto ang kanilang Singapore Trip kung walang pamamasyal. Kaya naman  dumeretso ang Team Payaman sa Universal Studios sa Sentosa, Singapore upang mamasyal at kumuha ng mga litrato.

Watch the full vlog here:

Yenny Certeza

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

17 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.