Payaman Insider Boys Recall ‘Comp Shop’ Days in New Spotify Podcast Episode

Panibagong lingo, panibagong masayang kwentuhan na naman ang hatid sa atin ng Team Payaman boys sa kanilang top-rating podcast na Payaman Insider sa Spotify. 

Sa kanilang bagong episode, nagbalik tanaw sina Junnie Boy, Burong, Boss Keng, at guest co-host Carding Magsino sa kanilang mga nakaraan bilang mga kabataang tambay sa computer shop. 

Tinalakay nila ang iba’t-ibang karanasan sa paglalaro ng computer games at pagtambay sa computer shop na tiyak na makaka-relate ang lahat. 

Memorable Comp Shop Experience

Kwento ni Carding, isa sa mga hindi nya malilimutang karanasan sa paglalaro sa computer shop ay noong nakalimutan nyang magsaing dahil sa paglalaro.

Dahil dito, sinundo sya ng kanyang ina sa computer shop at sa galit nito ay naihampas ang kanyang mukha sa monitor, dahilan upang mabasag ang monitor sa nasabing shop.  

“At doon nagsimula ang kwento kung bakit hindi ako gumaling sa mga laro sa computer, kasi nahihiya na ako pumasok sa mga computer shop!” biro ni Carding.

Si Boss Keng naman ay naranasang magpasundo sa mga kaibigan sa computer shop dahil inaabangan sya ng kanyang mga nakalaban sa labas para bugbugin. Aniya sobrang lakas daw kasi nyang mang “trash talk” sa paglalaro ng DOTA noon kaya napikon ang kalaban. 

“Tinawagan ko yung kaibigan ko na may kapatid na pulis, nagpasundo ako ng van. Kaya hindi na ko bumalik sa computer shop na yon,”  natatawang kwento ni Boss Keng. 

Piece of Advice

Dahil laganap na ang paglalaro ng computer games sa mga kabataan ngayon, pinayuhan din ng Payaman Insider boys ang mga magulang ng mga kabataan na nahihilig sa paglalaro. 

“Hayaan nyo silang gumawa ng sariling daan, pero dapat nasa likod kayo. Alam nyo naman kapag mali na. Bilang magulang makikita nyo kung mali na yung ginagawa ng anak nyo, kung may priorities na syang nakakalimutan, saka kayo mag step in,” ani Daddy Junnie.

Dagdag naman ni Boss Keng, sikaping bigyan ng gabay na may kasamang disiplina ang mga kabataan pagdating sa paglalaro ng computer games. 

Para naman sa mga kabataang nahihilig sa paglalaro at nangangarap na makapasok sa ESports industry, payo nilang maging responsable pa rin sa buhay. 

Payo ni Boss Keng: “Maging responsable kayo sa buhay, hindi pwedeng laging nag eenjoy ka lang. Dahil dadating ang araw na magkakaroon ka ng responsibilidad.”

Para naman kay Junnie: “Ang computer sobrang lakas umubos ng oras nyan, so gamitin nyo ng tama yung oras nyo.”

“Tatandaan nyo palagi, time is money. Gamitin mo sa makabuluhan yung oras mo, always know your limitations,” dagdag pa ni Carding. 

Listen to the full episode below: 

Kath Regio

Recent Posts

Clouie Dims Explore Vietnam’s Must-Try Foods with Team Payaman Girls

Isang masayang food adventure sa Vietnam ang ipinasilip ni Clouie Dims kasama ang kapwa Team…

2 days ago

BEHIND THE SCENES: Team Payaman Fair 2025 VIYond The Beat Photoshoot

Matapos ang tatlong taon ng matagumpay na pagdadaos ng Team Payaman Fair sa Metro Manila,…

3 days ago

Ivy Cortez-Ragos’ Daughter Celebrates 7th Birthday With a Bang

The Cortez-Ragos family, better known as the RaCo Squad, happily celebrated their little princess, Samantha…

4 days ago

Strong Mind Foundation Third Spiritual Seminar: A Testament of Healing and Hope

Disclaimer: This article may contain triggering content on depression and suicide and is intended for…

6 days ago

Vien Iligan-Velasquez Wows Followers with Her Vietnam Travel Photos

Talaga namang ‘living the pinterest dream’ ang vibe na hatid ng Team Payaman momma na…

7 days ago

A Fun Shopping Experience Awaits at VIYLine MSME Caravan Muntinlupa Leg

It’s that time of the month again, where Viyline MSME Caravan takes everyone’s shopping experience…

7 days ago

This website uses cookies.