Mavi Turns 4: Vien Iligan-Velasquez Share Preparations for Mavi’s Party

Bago pa man tuluyang maging ganap na kuya ay ipinagdiwang muna nina Team Payaman members Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez ang ika-apat na kaarawan ng kanilang panganay.

Nitong Linggo, Nov, 20 ang 4th birthday party ni Von Maverick Velasquez, a.k.a Mavi. Pero bago ang selebrasyon, ibinahagi muna ni Mommy Vien ang kanilang naging preparasyon para sa inaasahang birthday party ng anak. 

Mommy Duties

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Vien Iligan-Velasquez ang kanyang mommy duties para sa preparasyon ng 4th birthday ni Mavi.

Pagbalik na pagbalik mula sa kanilang quick getaway, back to mommy duties na ulit si Mommy Vien at agad sinundo si Mavi mula sa kanyang eskwelahan.

Matapos sunduin, sinamahan na rin ni Mommy Vien si Mavi sa barber shop para sa kanyang birthday look.

“Ngayong araw kasi, after school niya ay magpapagupit kami dahil ang bata ay magbi-birthday na sa linggo!” kwento ni Vien.

Dagdag pa ni Mommy Vien, pinagbigyan din nito ang kanyang ‘batuting’ sa pamimili ng damit na nais nitong suotin sa kanyang kaarawan.

“Malaki na talaga si Mavi, alam niya kung ano gusto niyang suot sa kanyang kaarawan.” 

Ayon naman kay Mavi: “Ako yung driver ni Lighting McQueen!” 

The Preparations

Matapos ang birthday haircut, diretso na ang mag-inang Vien at Mavi sa pagpili ng magiging cake nito.

“Itong si Mavi nagre-request ng oreo cake. Gusto nya ng oreo cake, pero ‘di pa naman niya birthday,” ani Vien.

Nag taste test na rin ang mag-ina ng mga pastries at treats na kanilang ipamimigay sa kaarawan ni Mavi.

At syempre, nagsagawa na rin ng DIY photoshoot ang mag-asawang Junnie at Vien para sa photobooth layout na gagamitin sa birthday party.

Para naman sa venue, nabanggit ni Mommy Vien na nais ng anak nitong si Mavi na i-celebrate ang birthday nito sa McDonalds kasama ang mga kalaro at kaklase nito.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

14 hours ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

1 day ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

4 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

5 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

5 days ago

This website uses cookies.