Netizens Petition Empoy Marquez to Visit Team Payaman in Payamansion

Hinikayat ng netizens ang legendary comedy actor na si Empoy Marquez na bisitahin ang pinakasikat at pinakamalaking grupo ng content creators sa bansa, ang Team Payaman. 

Ito ay matapos makita ng netizens ang swabeng collaboration nina Empoy at Team Payaman member Anthony Jay Andrada, a.ka. Yow. 

Jamming sa Set

Sa kanyang bagong vlog na pinamagatang “Sing Along W/ Yow,” ibinahagi ni Empoy ang naging jamming session nila ni Yow habang nagpapalipas ng oras.

Gamit ang gitara ni Yow, inawit ng dalawa ang ilan sa mga acoustic favorites gaya ng “Ako’y Sa’yo at Ikay Akin” ng Iaxe, “Can’t Cry Hard Enough” ng The Williams Brothers, at “Ipagpatawad Mo” ng  VST & Company.

Magkatrabaho ngayon sina Yow at Empoy sa pinagbibidahan nilang Net 25 series na “Ano’ng Meron Kay Abok.” Kasama nila sa nasabing sitcom ang iba pang artista gaya nina Alexa Miro, Nico Locco, Nico Nicolas, Yuki Takahashi, Anthony Ocampo, at Sofia Isabel. 

Mapapanood ang “Ano’ng Meron Kay Abok” tuwing Sabado, alas-siyete ng gabi sa Net 25. 

Empoy sa Payamansion

Matapos mapanood ang nasabing collab nina Yow at Empoy, kanya kanya namang hikayat ang netizens na isama ni Yow ang 41-anyos na aktor sa Payamansion. 

Ayon sa netizens, tiyak na magiging masaya ang vlog kung magkasama ng Team Payaman ang tinaguriang “Millennial Leading Man” ng showbiz. 

Messenger of Love: “Empoy sa payamansion I 100% agree”

Empoy Jordan: “nice collab..sana maisama ni yow minsan si empoy sa payamansion..hehe”

German Nunez: “Mr.Content Material(Yow)+Mr.Swabe(Empoy)=SOLID”

Junatan OFFICIAL: “Idol empoy! Sana isama ka ni yow sa payamansion”

Darryl James Marquez: “kelan kaya pupunta si empoy sa payamansion  para maka jamming nya ung ibang member ng tp hahahh laftrip to”

Joy Tejam: “Bakit parang magkamukha kayo? Hehe.. Kung hindi ako fan ng team payaman, iisipin ko kapatid siya ni Empoy” 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go All-Out in a Fun Public Resort Bonding

Naging instant source of good vibes at katatawanan online ang bonding ng magkakaibigang Zeinab Harake-Parks,…

3 hours ago

Velasquez Family Brings Love, Laughter, and Healthy Family Bonding to Purple Hearts’ Newest Campaign

The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…

6 days ago

Boss Keng Switches Up His Daily Routine With Fitness and Family Bonding

Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

1 week ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

1 week ago

Dudut Lang Exposes the Truth Behind His 11-Year Relationship and Team Payaman on ‘Galit-Galitan Podcast’!

Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…

1 week ago

This website uses cookies.