Pat Velasquez-Gaspar Scares Boss Keng with Lip Filler Prank

Matapos ang pagiging busy at hands-on business owner, hindi nawala sa listahan ni Pat Velasquez-Gaspar na i-prank ang asawa nitong si Christian Ezekiel Gaspar, a.k.a Boss Keng.

Ngunit bago pa man maisagawa ang prank, nag-tungo muna ang 26-anyos na vlogger at entrepreneur sa Eyebrowdery para sa kanyang much-needed pamper time. 

Pamper Day

Sa kanyang bagong vlog, #SelfLove ang hatid ni Team Payaman Wildcat Pat Velasquez-Gaspar. Kasama si Tita Krissy Achino, a.k.a Chino Liu, nag-pamper ang maybahay ni Boss Keng sa Eyebrowdery bilang rekomendasyon ng sekretarya nitong si Hannah. 

“Gusto ko talaga ng woke up like this na look, para pagkabangon mo para ka nang may lipstick, parang meron ka ng permanent na foundation,” pagbabahagi ni Pat.

Unang sinubukan ni Pat ang Aqua Lip Tint session kung saan nagsilbi itong permanent lip color na siyang unang kailangan upang ma-achieve ang kanyang “woke up like this look.”

“Tiis ganda!” ani Pat matapos makita ang kanyang kissable lips.

Matapos ang matagumpay na lip tint session, sunod na sinubukan ni Mrs. Gaspar ang pagpapalagay ng semi-permanent foundation o ang Korean BB Glow upang kumpletuhin na ang kanyang dream look.

It’s Prank Time

At syempre, hindi pinalampas ni Pat na pagtripan ang kanyang hubby at tignan ang magiging reaksyon nito sa kanyang ‘lip filler kuno’ session.

“Nag-reply na si Boss Keng kasi tinanong ko s’ya ulit [ng] ganda ng lips ko? So nagtanong siya, ‘Bakit ka nagpaganyan?’ so tawagan natin s’ya,” kwento ni Pat.

Laking gulat ni Boss Keng matapos itong tawagan ng misis dahil kanyang ikinalungkot ang balita ni Pat ukol sa aftercare ng nasabing proseso. 

“Love, yung after care nito, bawal mag-kiss ng seven days.” paliwanag ni Pat.

Biro naman ni Boss Keng: “Ay, patayin mo na lang ako!”

Pag uwi ni Pat, agad din naman nitong pinakita kay Boss Keng ang finished product matapos ang kanyang kunyariang lip filling session.

“Masakit? Masakit?” inisyal na reaksyon ni Boss Keng.

Hindi namang napigilang tanungin ni Pat kung ano ba ang naramdaman ni Boss Keng sa kanyang face enhancements.

“Hindi naman porket mag-asawa tayo, kontrolado kita. It’s your life pa rin,” ani Boss Keng.

Agad din namang umamin si Pat na hindi siya sumailalim sa lip filling session na siya namang ikinaginhawa ng paghinga ni Boss Keng.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

2 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

4 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

4 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

4 days ago

This website uses cookies.