MUST SEE: The Funniest Reactions to Cong TV’s Proposal to Viy Cortez

Matapos maisiwalat sa sambayanang Chicken Feet Gang at Solid Team Payaman fans ang proposal na yumanig sa mundo ng social media, kaliwa’t-kanan ang mga positibong komento ng mga taga-suporta at kapwa TP members nina Cong TV at Viy Cortez.

Ipinahatid ng malalapit na kaanak, mga kaibigan, at mga taga-suporta ang kanilang kagalakan at pagbati para sa soon-to-be Mr. and Mrs. Velasquez. 

Team Payaman Witty Posts

Hindi nagpahuli ang Team Payaman sa kanilang pagbati para sa newly-engaged couple na sina Cong TV at Viy Cortez.

Pinangunahan ng bunsong kapatid ni Cong TV na si Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang kagalakan sa nalalapit na kasal ng kanyang Kuya Cocon. 

“Petition James Reid as abay sa kasal!!!! Baka naman!!!!! Kung ‘di siya para sa binyag baka sa kasal talaga siya attend!” biro ng Wagyuniku by Pat and Keng CEO.

Agad naman itong sinuportahan ng matalik na assistant at kababata ni Cong TV na si Kevin Hufana sa kanyang witty na bwelta.

“Please lang, James! Parang awa mo na!!!!! Nagsasawa na ako sa mga mukha ng TP Boys!!!! Chareng,” komento nito.

Ang TP Wild Cat naman na si Kevin ay nag-post din ng isang kwelang litrato ng pamilya Velasquez kung saan aksidenteng nahagip ang TP Wild Dog na si Burong. 

“Yung pagod ka na pero may scoop ng chismis…”

Syempre, hindi nagpahuli sa kanyang maka-labas gilagid na pagbati ang nag-iisang impersonator ng Queen of All Media, Kris Aquino, na si Tita Krissy Achino, a.k.a Chino Liu. 

“O ikaw, wag ka nang mahiya! Sige na, i-pm mo na ‘ko. Mag-propose ka na rin!! Hmpft!!! #TeamSawi #SingleAndReadyToMingle” ani Chino sa isang Facebook post.

Upang kumpletuhin ang listahan, lowkey funny naman ang pagbati ng soon-to-be sister-in-law ni Viviys na si Vien Iligan-Velasquez sa kanyang Facebook post.

“Congratulations Viy Cortez and Cong TV!!! PS: ‘Wag ka mag-alala Kidlat, matatagalan pa yung kahati mo sa pamana!” pabirong pagbati nito.

Netizens’ Reactions

Hindi rin nagpahuli ang mga netizens na ipabatid ang kanilang witty reactions para sa epic proposal ng taon. 

Pinangunahan ni TikTok star na si Meiko Montefalco ang pila ng mga must-see reactions mula sa mga netizens.

Sa kanyang TikTok reel, ibinahagi ni “Master Meiko” ang kanyang kilig at tuwa sa naganap na proposal kung kaya’t nagbunyag ito ng isang nakakakilig na katotohanan sa likod ng matamis na pagsasamahan ng mag-nobyong Cong at Viy.

“Naalala ko yung unang-unang message sa akin ni Cong sa Facebook, sabi ko pa nga no’n ‘Collab po tayo [Cong TV], tapos ang sagot niya, ‘Nako, madam, magseselos si kumander [si Viy]” pagsiwalat ni Meiko.

Bakas sa mga luha ng nasabing TikTok star ang kanyang pagka-galak sa para sa kanyang iniidolong YouTube vloggers mula pa noong 2016.

Narito naman ang ilan sa nakakatuwang reaksyon mula sa netizens:

Joshua Legaspi: “Ynoh, ‘wag kangg kabahan hahaha”

ChooxTV: “Tara mambabae muna tayo lods Cong TV bago kayo ikasal…”

Edison Figueroa Anog: “Kapitbahay no more, hello kasambahay!”

Melanie Samano: “Kapitbahay to housemates na! Congratulations!” 

Yenny Certeza

Recent Posts

Mommy Vien and Junnie Boy Debut as Doubles Partners in Pickleball Tournament

Muling nabigyan ng pagkakataon ang Team Payaman members na sina Junnie Boy at Vien na…

2 days ago

​TP Kids Fair 2026 Officially Opens Call for Food Concessionaires

​ Kasabay ng paghahanda para sa isa sa pinaka-inaabangang family event ng taon, opisyal nang…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez, Jhon Mark Gon, and Heaven Peralejo Explore Marvin Agustin’s Newest Restaurant

Isang masayang food trip ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez kasama sina Jhon Mark Gon at…

3 days ago

Ivy Cortez-Ragos Marks Major Milestone in Content Creation Career

Bilang pasasalamat sa suportang natanggap, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga…

3 days ago

Mommy Pat Velasquez-Gaspar Flexes Son Isla Patriel’s Communication Skills

Nagpakitang gilas ang panganay na anak ni Mommy Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng matapos ang…

3 days ago

Cong TV Introduces New Editor Oliver Agres in Latest Vlog

Sa pinakabagong vlog ni Cong TV, tampok ang pagdating ng Canadian content creator na si…

5 days ago

This website uses cookies.