MUST SEE: The Funniest Reactions to Cong TV’s Proposal to Viy Cortez

Matapos maisiwalat sa sambayanang Chicken Feet Gang at Solid Team Payaman fans ang proposal na yumanig sa mundo ng social media, kaliwa’t-kanan ang mga positibong komento ng mga taga-suporta at kapwa TP members nina Cong TV at Viy Cortez.

Ipinahatid ng malalapit na kaanak, mga kaibigan, at mga taga-suporta ang kanilang kagalakan at pagbati para sa soon-to-be Mr. and Mrs. Velasquez. 

Team Payaman Witty Posts

Hindi nagpahuli ang Team Payaman sa kanilang pagbati para sa newly-engaged couple na sina Cong TV at Viy Cortez.

Pinangunahan ng bunsong kapatid ni Cong TV na si Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang kagalakan sa nalalapit na kasal ng kanyang Kuya Cocon. 

“Petition James Reid as abay sa kasal!!!! Baka naman!!!!! Kung ‘di siya para sa binyag baka sa kasal talaga siya attend!” biro ng Wagyuniku by Pat and Keng CEO.

Agad naman itong sinuportahan ng matalik na assistant at kababata ni Cong TV na si Kevin Hufana sa kanyang witty na bwelta.

“Please lang, James! Parang awa mo na!!!!! Nagsasawa na ako sa mga mukha ng TP Boys!!!! Chareng,” komento nito.

Ang TP Wild Cat naman na si Kevin ay nag-post din ng isang kwelang litrato ng pamilya Velasquez kung saan aksidenteng nahagip ang TP Wild Dog na si Burong. 

“Yung pagod ka na pero may scoop ng chismis…”

Syempre, hindi nagpahuli sa kanyang maka-labas gilagid na pagbati ang nag-iisang impersonator ng Queen of All Media, Kris Aquino, na si Tita Krissy Achino, a.k.a Chino Liu. 

“O ikaw, wag ka nang mahiya! Sige na, i-pm mo na ‘ko. Mag-propose ka na rin!! Hmpft!!! #TeamSawi #SingleAndReadyToMingle” ani Chino sa isang Facebook post.

Upang kumpletuhin ang listahan, lowkey funny naman ang pagbati ng soon-to-be sister-in-law ni Viviys na si Vien Iligan-Velasquez sa kanyang Facebook post.

“Congratulations Viy Cortez and Cong TV!!! PS: ‘Wag ka mag-alala Kidlat, matatagalan pa yung kahati mo sa pamana!” pabirong pagbati nito.

Netizens’ Reactions

Hindi rin nagpahuli ang mga netizens na ipabatid ang kanilang witty reactions para sa epic proposal ng taon. 

Pinangunahan ni TikTok star na si Meiko Montefalco ang pila ng mga must-see reactions mula sa mga netizens.

Sa kanyang TikTok reel, ibinahagi ni “Master Meiko” ang kanyang kilig at tuwa sa naganap na proposal kung kaya’t nagbunyag ito ng isang nakakakilig na katotohanan sa likod ng matamis na pagsasamahan ng mag-nobyong Cong at Viy.

“Naalala ko yung unang-unang message sa akin ni Cong sa Facebook, sabi ko pa nga no’n ‘Collab po tayo [Cong TV], tapos ang sagot niya, ‘Nako, madam, magseselos si kumander [si Viy]” pagsiwalat ni Meiko.

Bakas sa mga luha ng nasabing TikTok star ang kanyang pagka-galak sa para sa kanyang iniidolong YouTube vloggers mula pa noong 2016.

Narito naman ang ilan sa nakakatuwang reaksyon mula sa netizens:

Joshua Legaspi: “Ynoh, ‘wag kangg kabahan hahaha”

ChooxTV: “Tara mambabae muna tayo lods Cong TV bago kayo ikasal…”

Edison Figueroa Anog: “Kapitbahay no more, hello kasambahay!”

Melanie Samano: “Kapitbahay to housemates na! Congratulations!” 

Likes:
0 0
Views:
340
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *