Sabay-sabay inabangan ng solid DonBelle fans ang Grand Media Launch ng official trailer ng kanilang bagong pelikula na “An Inconvenient Love” nitong Biyernes, Oct. 28.
Syempre, hindi nawala sa nasabing media conference ang pambato ng Team Payaman sa aktingan na si Chino Liu, a.k.a Tita Krissy, na isa sa mga cast ng inaabangang pelikula.
Talaga namang agaw-pansin si Tita Krissy sa kanyang suot na all-white coordinates at pink suit kasama ang buong cast.
Opisyal na nasaksihan ng VIYLine Media Group (VMG) ang red carpet entrance ng cast ng An Inconvenient Love na pinangunahan ng tinaguriang Next Gen Phenomenal Love Team na DonBelle — Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Kasunod ng DonBelle ang iba pang cast ng pelikula na sina Iana Bernardez, JC Alcantara, Maxene Magalona, and the one and only Kris Aquino impersonator, Chino Liu.
Bukod sa buong cast, bumida rin sa media conference ang “utak” sa likod ng inaabangang pelikula na sina Daisy Cayanan at Direk Petersen Vargas.
“I am super excited because, actually, this is my second Star Cinema film,” kwento ni Chino.
“This is my first-ever mainstream movie, and I am super happy kasi sa pagbabalik ng Star Cinema sa theaters, kami ang mapapanood,” dagdag pa nito.
Kasabay ng media launch ay ang paglabas ng official trailer ng An Inconvenient Love sa lahat ng social media platforms.
Matapos ang worldwide release ng movie trailer, game na game sumabak sa Q and A with the press ang cast ng nasabing pelikula.
Nang tanungin ng VMG kung pressured ba sila sa pagbibidahang pelikula, ibinunyag ng tambalang DonBelle ang mga pinagdaanan upang makamit ang inaasahan ng kanilang mga taga-suporta.
“I think yung importante sa lahat ng bagay na pinapasukan namin [ay] we really give our best,” ani Donny Pangilinan.
Ayon naman kay Belle Mariano, “The pressure is always there naman. But what’s important is that we do our best and we put our hearts to what we do.”
At syempre, hindi rin pinalampas ng aming grupo na alamin kung ito na ba ang simula ng pagtanggap ni Chino Liu ng iba pang “barako” roles para sa kanyang acting career.
“Hindi ko naman kino-close yung doors sa mga possibilities na pwede natin [makuha]. Kasi you know, ang paggawa ng pelikula, then you play a role, [that] is a craft. So dapat talaga, you go out of your comfort zone,” ani Chino Liu.
DonBelle, Krissy people, at Team Payaman fans, sabay-sabay nating panoorin ang pagbabalik sa takilya ng Star Cinema ngayong Nov. 23!
Samahan ang buong cast ng An Inconvenient Love sa isang “roller coaster ride” ng mga emosyon na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Watch the full trailer below:
Isang masayang chikahan at masinsinang makeup session ang hatid ni Michelle Dy kasama ang isa…
Kamakailan lang ay ipinagdiwang ang araw ng mga ina kung saan hindi nagpahuli ang ilang…
Hot, sticky, and sweaty — that’s how the summer season in the Philippines usually feels.…
Our moms, grandmothers, and even those who serve as mother figures in our lives deserve…
Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger…
Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga hamon na kinakaharap ng ating balat araw-araw.…
This website uses cookies.