Cong TV Humorously Plead Followers to Visit BigRoy’s Boodle Fight by Team Payaman Pasay Branch

Tila nagmamakaawa na si YouTube content creator Cong TV na bisitahin ng publiko ang BigRoy’s Boodle Fight by Team Payaman sa Pasay City. 

Sa isang Facebook post ng nasabing boodle fight restaurant, makikita ang 30-anyos na vlogger suot ang uniform ng BigRoy’s at hinihikayat ang netizens na kumain sa nasabing franchised branch na siya mismo ang nagmamay ari.

Pero hindi lang simpleng pagpo-promote ang ginawa ng legendary vlogger, kundi emosyonal na pakiusap sa publiko. 

“So ayun guys, punta na kayo dito sa BigRoy’s ngayong araw na ‘to!” ani Cong TV na tila paiyak na sa video. 

Bukod dito, sandamakmak na standee ng kanyang sarili din ang inihanda ni Cong para ikalat sa nasabing branch kung saan maaaring magpa-selfie ang bawat customer. 

Samantala, ikinatuwa naman ng netizens ang isang TikTok entry ng Team Payaman leader na tila nagninilay nilay sa pinagdadaanan ng kanyang negosyo. 

“Ang pag nenegosyo ay hindi basta-basta. Marami kang pagdadaanang hirap, maraming beses kang mag-iisip kung paano ka babangon. Pero tuloy lang ang laban!” ani Cong TV. 

BigRoy’s Pasay Promos

Bukod sa kwelang mga standee pictures at masasarap na pagkain ay nagpaulan din ang BigRoy’s Boodle Fight by Team Payaman ng iba’t-ibang pakulo na tiyak swak sa inyong trip. 

Una na dyan ay ang Birthday Promo kung saan ang customer na nagdiriwang ng kanyang birthday month ay makakatanggap ng 10% discount sa kahit anong “specialized boodle package.” 

Kailangan lang ipakita sa BigRoy’s crew ang isang valid ID na nagpapatunay na kayo ay nagdiriwang ng kaarawan sa kasalukuyang buwan. 

But wait, there’s more! Kung nais nyong mag bonding ng pamilya o barkada sa boodle fight, hatid rin ng BigRoy’s Pasay branch ang “Boodle Set Up” package kung saan maaaring i-reserve ang VIP area para solo nyo ang kwentuhan at kainan. 

Ang nasabing package ay hindi lang available para sa mga dine in customers, pwede rin ito sa mga nais mag boodle fight bonding sa bahay, opisina, outing, at iba pa. 

Siguradong busog na sa kwentuhan, busog pa sa masasarap na putaheng sa BigRoy’s nyo lang matitikman.

Order Now!

Ang BigRoy’s Boodle Fight by Team Payaman ay matatagpuan sa Unit F. Building 9, Salem Complex, Domestic Road, Pasay City. Bukas ito mula alas-10 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi. 


Maari din kayong mag-oder at magpadeliver ng katakam-takam na Boodle Bilao. Mag-send lang ng message sa official Facebook page ng BigRoy’s Boodle Fight by Team Payaman at sila ang bahala sa orders mo!

Kath Regio

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

3 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

4 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

4 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

5 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

5 days ago

This website uses cookies.