Team Payaman’s Mau Anlacan Transforms as Pandemic Nurse in New TV Commercial

Isa na namang miyembro ng Team Payaman ang nagpapatunay na hindi lang pang vlogging ang pinakasikat na grupo ng content creators sa bansa. Ito ay matapos bumida ni Mau Anlacan, a.k.a Mauhusay sa isang bagong TV commercial. 

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Mau ang video ng bagong commercial ad ng RiteMED kung saan gumanap siya bilang isang pandemic nurse. 

“Mabuhay ang lahat ng healthcare workers! Saludo ang RiteMED at ang bawat Pilipino sa inyong buong puso at tapang na paglilingkod sa bayan,’ ani Mau.

Nurse Mau

Sa isang eksklusibong panayam, sinabi ni Mau sa VIYLine Media Group (VMG) na itinuturing niyang isang karangalan na mapabilang sa nasabing proyekto. 

Bagamat nag-audition sya para sa nasabing role, hindi niya inakala na mapapasama siya sa mga cast ng TV commercial na nagbibigay pugay sa mga tinaguriang “frontliners” noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. 

Kwento ng 26-anyos vlogger at social media influencer, hindi sila basta-basta sumabak sa nasabing commercial. Dumaan din aniya sila sa workshop para maisapuso ang karakter bilang frontliners 

Sobrang realistic kasi nung nagta-taping kami lalo na yung naka-PPE kaming lahat tapos super inet. Partida konting oras lang namin suot yun pero tagaktak na pawis, so what more pa yung mga totoong frontliners na halos 24 hours silang naka-PPE,” paliwanag ni Mau Anlacan.

“Na-realize ko na hindi talaga biro lahat ng pinagdaanan ng mga frontliners, kumbaga buhay na ng ibang tao ang priority nilang maisalba kesa sa sarili nila. Nagsilbi silang sundalo sa panahon ng pandemya,” dagdag pa nito. 

Hindi na bago si Mau sa paggawa ng mga commercial dahil dati na rin itong bumida sa isa sa mga ad campaigns ng SM. Kamakailan lang ay kasama rin si Mau bilang isa sa mga dancers sa Pie Channel Station ID.

Busy Bee

Samantala, bukod sa bagong commercial ay inamin ni Mau na abala din siya sa pagtupad ng kanyang pangarap na mag-artista at ang pagbabalik sa eskwela. Ito rin aniya ang dahilan kung kaya madalang natin siyang makita sa mga vlogs ng iba pang Team Payaman members. 

“Time is running, hindi habang buhay may chance na makapag aral ulit so ita-take ko na ‘tong chance na ‘to hanggat meron. Gusto ko na makapagtapos ng pag-aaral and at the same time nagagawa ko yung mga bagay na gustong gusto ko which is pag-acting at pagsasayaw.” 

“Pero syempre sabi nga ni Kuya Cocon (Cong TV) ‘Once a Team Payaman, always a Team Payaman.’ Sadyang may mga bagay lang akong gustong i-prioritize sa ngayon.”

Dagdag pa ng isa sa mga “Dancing Queens” ng grupo, hindi naman siya titigil sa pag-upload ng vlogs sa YouTube at susubukang makabisita muli sa Payamansion dahil miss na miss na rin nya ang kanyang paboritong housemate at playmate na si Mavi Velasquez, ang panganay ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez.  

Kath Regio

Recent Posts

Ninong Ry Meets Gordon Ramsay at ‘Masterchef’-Inspired Show in Manila

Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…

5 hours ago

This is How Junnie Boy and Vien Iligan-Velasquez Navigate Marriage

Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…

9 hours ago

How to Score a Meet and Greet Pass With Viy Cortez-Velasquez at the VIYLine MSME Caravan

In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…

1 day ago

This is How Team Payaman’s Pat Velasquez-Gaspar Redefines Motherhood

Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…

2 days ago

5 Must-Try Easy-To-Follow Megalodon Dishes According to Dudut Lang

Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…

2 days ago

Short-Form Classes To Try For Your Kids, As Seen On Kidlat

There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…

6 days ago

This website uses cookies.