COMING SOON: Papa Wow Kwento ng Buhay ‘Kutsilyo’ Pilot Episode

Panibagong pasabog na naman ang aabangan ng ating mga kapitbahay mula sa VIYLine Media Group (VMG), dahil kamakailan lang ay tinapos na ng grupo ang shooting para kanilang kauna-unahang film production. 

Yes, you read that right, mga kapitbahay! Bukod sa mga latest chika at update sa Team Payaman at VIYLine, isang makabuluhang istorya ang ihahatid sa inyo ng VMG ngayong buwan ng Oktubre. Ito ay sa pamamagitan ng “Papa Wow Kwento ng Buhay.” 

Pero tungkol nga ba saan ang kwentong ito at saan ito mapapanood? 

What is Papa Wow Kwento ng Buhay?

Ang bagong handog na ito ay isang documentary film sa pangunguna ng butihing ama ni Viy Cortez na si Mr. Rolando Cortez na mas kilala sa tawag na Papa WOW o Words of Wisdom. Bukod sa pagiging General Manager ng VIYLine Group of Companies, kilala si Mr. Cortez sa pagbibigay ng mga makabuluhang aral sa buhay na naglalayong ibahagi ang Salita ng Diyos.

Ang nasabing palabas ay magtatampok ng iba’t-ibang kwento na hango sa tunay na buhay. Kwento ng pagsubok, pag-asa, at pananampalataya na tiyak na kapupulutan ng aral at inspirasyon. 

Layunin din nitong ipalaganap ang Salita ng Diyos at ang katotohanang buhay ang Panginoon na lagi tayong ginagabayan sa buhay sa kabila ng mga pagsubok. 

“Sa kuwentong hatid ng VMG Films, ipinakitang Siya ay buhay at handang tumulong anumang oras kapag tayo ay naniniwala sa Kanya,” ani Papa Wow sa isa sa kanyang mga Facebook post

Kutsilyo

Ang kauna-unahang episode ng Papa Wow Kwento ng buhay ay pinamagatang “Kutsilyo.” Ang tanong tuloy ng karamihan, isa ba itong horror film dahil nalalapit na rin ang pagdiriwang ng Halloween?

‘Yan ang dapat nyong abangan sa mga susunod na araw. Pero isa lang ang clue na binigay sa atin mismo ni Papa Wow. 

Abangan niyo bakit ‘Kutsilyo.’ Ito ay true to life story na magbibigay ng aral sa ating lahat, na kapupulutan natin ng aral,” kwento ni Papa Wow. 

Sa kanyang mga Facebook posts nitong mga nakaraang araw, pinasilip ni Papa Wow ang ilan sa mga kaganapan sa likod ng camera. 

Pinasilip din  nito ang ilan sa mga karakter na dapat nating abangan, kabilang na ang kanyang asawang si Mrs. Imelda Cortez at bunsong anak na si Yiv Cortez. 

Syempre hindi mawawala sa eksena si Viy Cortez kasama ang kanyang Ate Ivy Cortez-Ragos na gaganap sa mga importanteng papel sa nasabing palabas. 

Samantala, ang kauna-unahang episode ng Papa Wow Kwento ng Buhay ay pinagbibidahan naman ng vlogger at social media influencer na si China Roces

Abangan kung ano nga ba ang kwento sa likod ng karakter ni China, pati na rin ang matinding eksena nila ni Viviys. 

Manatiling nakatutok sa VIYLine Media Group kung paano mapapanood ang unang episode ng Papa Wow Kwento ng Buhay.

Kath Regio

Recent Posts

Dudut Lang Prepares for Doubles Tournament in Pickleball Session with Team Payaman

Matapos ang kanilang basketball rematch sa Star Magic All Star Games, ibang sport naman ang…

2 hours ago

Elevate your Home with Luxurious Fragrances from Perfect Scent by Viyline’s Room and Linen Spray

Perfect Scent by Viyline aimed to redefine the industry of home essentials when it introduced…

20 hours ago

Cong’s Anbilibabol Team Exchange Nonstop Hilarious Banter in Pre-Game Moments

Ilang araw bago ganapin ang Star Magic All Star Games, tampok sa vlog ni Cong…

22 hours ago

Yow Looks Back at Team Payaman’s Star Magic All Star Games Experience

Hindi lang basketball skills ang hatid nina Yow at Cong TV, kung hindi pati good…

1 day ago

Team Cortez, The Aguinaldos, and D’ Anicetos Go On a Fun Amusement Park Experience

Isang masaya at kwelang vlog collaboration ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang bagong YouTube…

2 days ago

Team Payaman Girls Channel ‘Girlhood’ Vibes in Their Vietnam TikTok Entries

Naghatid ng girlhood energy ang Team Payaman Girls sa kanilang TikTok entry serye mula sa…

5 days ago

This website uses cookies.