Junnie Boy and Vien Iligan-Velasquez Hops on TikTok ‘Guess the Bill’ Challenge

Isa na namang araw na puno ng kulitan at bonding ang hatid ng mag-anak Velasquez nina Daddy Junnie Boy, Mommy Vien Iligan-Velasquez, at soon-to-be Kuya na si Mavi.

Namasyal ang JunnieVien couple kasama ang kanilang apat na gulang na panganay sa kilalang pasyalan na The Dessert Museum sa Mall of Asia. Nakisali rin sa trending na “Guess the Bill Challenge” ang mag-anak matapos kumain sa isang sikat na sosyal na restaurant. 

JunnieVien x Mavi Goes to The Dessert Museum

Sa pinakabagong vlog ni Mommy Vien, kanyang ibinahagi ang family day kasama ang asawa nitong si Junnie Boy at unico hijo na si Von Maverick, a.k.a Mavi.

“Gusto ko syang makita [The Dessert Museum] dahil nakita ko ‘to kay Emman at Peachy [noon].  Nakita ko na nakakahumaling yung hitsura sa loob!” paliwanag ni Mommy Vien.

At syempre, hatid ng 26-anyos na vlogger ang virtual tour sa The Dessert Museum upang ma-engganyo rin ang mga mommies and daddies na dalhin ang kanilang mga chikiting dito. 

Unang sinilip ng mag-anak Velasquez ang silid na puno ng mga higante at maliliit na pigurin ng mga donuts, na siyang ikinatuwa naman agad ni Mavi.

Syempre, supportive as always si Daddy Junnie Boy na kaliwa’t kanan ang pagpitik at pagkuha ng litrato ng kanyang mag-ina gamit ang camera nito.

Hindi rin pinalampas nina Mommy Vien at Mavi na masubukang tikman ang libreng cupcake na hatid ng nasabing pasyalan.

Matapos libutin ang pangalawang kwarto na puno ng marshmallows, nagtungo naman sina Daddy Junnie, Mommy Vien, at Mavi sa pangatlong kwarto na tila hango sa negosyo ni Viviys na Tea Talk Franchised by Viy Cortez

Punong-puno ang kwarto ng malalaking straws at cute na palamuti na animoy mga pearl o sago na kadalasang sahog ng paboritong Chocolate Milk Tea ni Mavi.

Nagtungo rin ang mag-anak sa iba pang mga atraksyon sa The Dessert Museum gaya ng Go Bananas, Gumball, Ice Cream, Pinata, at ang Lollipop room.

“Guys ang ganda dito! Mag-eenjoy ang mga anak ninyo!” ani Mommy Vien.

Labis ang naging pasasalamat nina Mommy Vien at Daddy Junnie sa oportunidad na ibinigay sa kanila dahil sobrang nag-enjoy anila si Kuya Mavi. 

Guess the Bill Challlenge

Sa nasabi YouTube vlog, ibinahagi rin ng 7-months preggy momma ang naging monthsary celebration kasama ang asawa nitong si Junnie Boy.

Kasama ni Mavi, kumain ang mag-anak sa TikTok viral restaurant na  WolfGang Steakhouse. Enjoy na enjoy ang mag-anak sa mga pagkaing inihanda para sa kanila, dahilan upang pabirong mangamba ang mag-anak Velasquez sa kanilang magiging bill.

Sa kasamaang palad, nakalimutan ni Junnie Dad ang kanyang wallet dahilan upang kutuban si Mommy Vien na siya ay pina-prank lang ng asawa.

“Pagdating namin sa parking, akala ko nagpa-prank lang siya [Junnie]. Wala siyang dalang wallet. Naiwan ni Junnie Boy ang kanyang wallet, so ako talaga yung nasurprise,” kwento ni Vien.

“Bayaran ko nalang, nakalimutan ko lang ‘eh!” depensa naman ni Junnie Boy.

Pero magkano nga ba inabot ang bill ng kinain JunnieVien sa kanilang monthsary date? Tila sumakit ang batok ni Daddy Junnie matapos matanggap ang bill sa nasabing kainan.

Tumataginting na PHP18,188.90 lang naman ang kaukulang presyo ng babayaran ng JunnieVien sa kanilang monthsary date!

Bagamat napamahal sa kanilang pagkain, labis naman na nag-enjoy ang Velasquez family sa kanilang naging bonding at pagkain ng sama-sama.

Watch the full vlog below: 

Yenny Certeza

Recent Posts

TP Kids Building Blocks Bring Screen-Free Play to Kids at Home

Looking for a fun way to keep the little ones busy at home without relying…

40 minutes ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Mavi and Viela’s Back-to-School Preparations

Isang relatable na mommy moment ang ibinahagi ni Vien Iligan-Velasquez sa kanyang latest vlog nang…

18 hours ago

Past TP Fair Attendee? Here’s How You Can Access the First Wave of Team Payaman Fair Ticket Selling

Calling all solid Team Payaman fans! You’re in for an exclusive treat because you get…

23 hours ago

Cong TV, Burong, and Dudut Go All-Out in Hilarious Impersonation to Surprise Team Payaman in Vietnam

Katatawanan ang hatid ng Team Payaman Wild Dogs na sina Cong TV, Burong, at Dudut,…

1 day ago

Samantha Ragos Turns 8: Cortez-Ragos Family Shares Heartwarming Moments from Samantha’s 8th Birthday

Masayang pagdiriwang ang ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos para sa ika-8 na kaarawan ng kanyang anak…

2 days ago

EXCLUSIVE: COLN Band Gives a Glimpse Into Their Next Release

Matapos ilabas ang kanilang single na “WASAK” noong February 2026, muling nagbabalik ang Filipino rap-rock…

2 days ago

This website uses cookies.